Breakwater, pinuri sa Cannes

Inulan ng papuri ang Filipino film na Babae Sa Breakwater (pinamagatang Woman of Breakwater para sa mga international film festival release) nang ipalabas noong ika-19 ng Mayo sa Cannes Filmfest, Theatre Noga Croisette, Noga Hilton, Paris.

Ayon sa bidang lalaki na si Kristofer King, SRO ang venue pero tahimik ang mga manonood habang ini-screen ang pelikula. "Sa last scenes, nagulat na lang kami (Katherine Luna at Edgar and Arlene Aguas of Entertainment Warehouse) nang magtayuan at magpalakpakan ang ma tao! Kinilabutan ako at hindi makapaniwala na ganun pala katindi ang dating ng pelikula sa foreign audience! Ayaw pa ring umalis ng mga manonood, binasa pa rin nila ang credit titles sa screen. Pagkatapos, nilapitan na kami ng foreign press, tinanong kami kung doon daw ba kami mismo nakatira sa breakwater! Siyempre, natawa kami at sinabi naming hindi. Ayaw din nilang maniwala na mga baguhang artista kami ni Katherine", ani Kristoffer.

Sa review ni Leslie Felperin ng Variety, May 21 issue, ang Breakwater ay tiyak na pag-uusapan sa ibang bansa at tiyak na mapupunta sa ibang festival pagkatapos ng Cannes. Sabi naman ni Noel Vera ng World Cinema Atlas, ang Breakwater ang siyang pinakamagandang Filipino film hindi lang sa taong 2003 kundi sa iba pang taong dumaan. — Dennis Adobas

Show comments