Ruffa G. sa 'Pinas magbi-birthday
May 31, 2004 | 12:00am
Isang major concert ang binubuo ngayon ng Viva Entertainment na tatampukan ng apat na singing champions - sina Sarah Geronimo, Mark Bautista, Erik Santos at Sherin Regis na gaganapin sa Araneta Coliseum sa darating na July 17. Pinamagatang "Night of the Champions," ang nasabing pagtatanghal ay nakatakdang dalhin sa mga key cities ng Pilipinas at maging sa ibang bansa laluna sa Amerika na magsisimula sa East Coast.
Ang apat ay nakatakdang magtanghal sa GWs Lisner Auditorium sa Washington, D.C. sa September 11 na susundan ng Golden Center for the Performing Arts sa Flushing, New York sa September 18 at sa Paramount Art Center sa Illinois, Chicago sa Septemer 26. Itoy susundan ng kanilang concert sa L.A. at San Francisco, California sa buwan ng Oktubre.
Sa totoo lang, muling nakatagpo ang Viva ng goldmine sa katauhan ni Sarah at maging ang runner up nitong si Mark Bautista. Nakatulong naman sa Viva ang business relationship nila with ABS-CBN dahil madalas nilang makuha ang serbisyo nina Erik Santos at Sheryn Regis na nakakatulong din naman sa dalawa.
Samantala, napag-alaman namin kay Boss Vic del Rosario na muling bubuhayin ang amateur singing search program na Search for a Star na malamang ibalik sa IBC-13. Sa halip na si Regine Velasquez, malamang na si Sarah na ang mag-host nito.
Si Sarah na nga kaya ang susunod na magiging singing sensation?
Nag-celebrate ng unang kaarawan noong Sabado (May 29) ang unang supling ng mag-asawang Isabel Granada at ang bagong elect na konsehal ng Angeles, Pampanga na si Geryk (Jericho) Genasky (Aguas), si Hubert Thomas Jericho Granada Aguas na ginanap sa Elmos World sa Gloria Maris sa Balibago, Angeles City. Masayang-masaya ang mag-asawang Issa at Geryk dahil bukod sa naka-isang taon na ang kanilang unang baby, parang double celebration na rin ito dahil sa pagkakapanalo ni Geryk.
Hindi man gaanong visible ngayon si Issa, hindi umano ito nangangahulugan na tuluyan na niyang tinalikuran ang kanyang singing at acting career. Katunayan, naghihintay na lamang ang misis ni Geryk ng assignments lalo pat balik na rin sa dati ang kanyang pangangatawan na animoy wala pang anak.
Hindi ikinakaila ni Issa na nagi-enjoy siya ngayon sa kanyang bagong papel na ginagampan bilang isang asawa at ina.
"Ngayon ko lubos na nauunawaan ang damdamin ng isang ina ngayong isa na rin akong ganap na ina," ani Issa.
Dahil hindi kapisan ni Issa ang kanyang inang si Mommy Guapa, madalas naman itong dumalaw ng Angeles.
Nakatakdang dumating ng Pilipinas ang mag-inang Ruffa Gutierrez-Bektas at Lorin Gabriella Bektas para dito na idaos ang kanilang kaarawan. Sa buwan ng June ang kaarawan ni Ruffa at sa buwan naman ng Agosto si Lorin. Since hindi naman sila makakabalik sa buwan ng Agosto, minabuti na ni Ruffa na pag-isahin na lamang ang kanilang birthday celebration. Hindi lang namin sigurado kung uuwi rin dito ang husband ni Ruffa na si Yilmaz para makasama sa double celebration ng kanyang mag-ina.
Although nagpakasal na sila sa civil rites, kahapon naman kinasal sa simbahan ang mag-asawang Beth Tamayo at Chinese businessman husband niyang si Johnny Wong na ginanap sa Christ The King Parish Church sa Green Meadows, Quezon City.
Lime green ang color motif ng wedding nina Beth at Johnny. Ang ating kaibigang couturier na si Ronald Arnaldo ang gumawa ng dalawang gown ni Beth (isang bridal gown at ang isa naman ang isinuot niya sa reception sa ballroom ng Shangri-La Makati) at ng wedding entourage ganoon din ang suit ng groom.
Labindalawang pares ang mga tumayong ninong at ninang na binuo nina Fernando Cabuhat at ang inyong lingkod, Emmanuel de Pasion at Erlinda Angeles, Gen. Eliseo de la Paz at Victoria Elises, Dante Gutierrez at Belinita Espino, Orlando Ilacad at Rose Flaminiano, German Moreno at Cornelia Lee, Justice Diosdano Peralta at Carolina Lumagui, Cirio Santiago at Zenaida Reyes, Councilor Joseph Tamayo at Caridad Sanchez, Emelio Uy at Teresita Santos at sina Mayor Amado Boy Vicencio at Juanita Trofeo.
Si Nicolas Manlapaz ang tumayong Best Man at sina Judy Ann Santos at Armi de la Cruz ang Maids of Honor. Ang mga Groomsmen ay binuo nina Arturo Craig Atayde (mister ni Sylvia Sanchez), Dante Nico Garcia, Simon Huong, Stanley Kung, Victor Kung at Juancho Tamayo, Jr. habang ang mga Bridesmaids naman ay binubuo nina Mary Lee Giselle Dabao, Rechie del Carmen, Ma. Alinica Garcia, Kristine Joanne Gonzales, Imelda Lee at Regine Ann Maloles.Si Juan Sarte ang namahala ng hair and make-up ni Beth, si Robert Blancaflor ng 1816 Flowers sa mga bulaklak at si Rita Neri ng The Wedding Store ang wedding coordinator.
Ang Chinese husband ni Beth ay naka-base sa Guam kung saan naroon ang negosyo nito. Isa itong diborsiyado at may dalawang anak. Sa Guam din nagtagpo ang landas ng dalawa.
Balak sana ng mag-asawa na sa Europe mag-honeymoon sa loob ng isang buwan pero nabago ang plano dahil hindi puwedeng mawala si Beth nang matagal dahil sa kanyang ongoing teleserye sa ABS-CBN, ang Sarah: The Teen Princess kung saan siya ang kontrobida sa buhay ng bida na si Sarah Geronimo. Kaya sa halip ay Hawaii na lamang ang kanilang tuloy kung saan sila mamalagi sa loob ng isang linggo.xxxxxxxxPersonal: Ang aming pakikiramay sa iniwanang pamilya ni Mama Elay (Eli Formaran) na walang habas na pinatay sa sarili niyang pamamahay nung madaling araw ng Miyerkules. Si Mama Elay ay isang malapit na kaibigan hindi lamang sa mga entertainment writers kundi maging sa mga artista at mga kilalang news personalities at pulitiko. Hanggang sa mga sandaling ito ay hindi pa rin nahuhuli ang tunay na salarin.Mama Elay, mami-miss ka namin!
<[email protected]>
Ang apat ay nakatakdang magtanghal sa GWs Lisner Auditorium sa Washington, D.C. sa September 11 na susundan ng Golden Center for the Performing Arts sa Flushing, New York sa September 18 at sa Paramount Art Center sa Illinois, Chicago sa Septemer 26. Itoy susundan ng kanilang concert sa L.A. at San Francisco, California sa buwan ng Oktubre.
Sa totoo lang, muling nakatagpo ang Viva ng goldmine sa katauhan ni Sarah at maging ang runner up nitong si Mark Bautista. Nakatulong naman sa Viva ang business relationship nila with ABS-CBN dahil madalas nilang makuha ang serbisyo nina Erik Santos at Sheryn Regis na nakakatulong din naman sa dalawa.
Samantala, napag-alaman namin kay Boss Vic del Rosario na muling bubuhayin ang amateur singing search program na Search for a Star na malamang ibalik sa IBC-13. Sa halip na si Regine Velasquez, malamang na si Sarah na ang mag-host nito.
Si Sarah na nga kaya ang susunod na magiging singing sensation?
Hindi man gaanong visible ngayon si Issa, hindi umano ito nangangahulugan na tuluyan na niyang tinalikuran ang kanyang singing at acting career. Katunayan, naghihintay na lamang ang misis ni Geryk ng assignments lalo pat balik na rin sa dati ang kanyang pangangatawan na animoy wala pang anak.
Hindi ikinakaila ni Issa na nagi-enjoy siya ngayon sa kanyang bagong papel na ginagampan bilang isang asawa at ina.
"Ngayon ko lubos na nauunawaan ang damdamin ng isang ina ngayong isa na rin akong ganap na ina," ani Issa.
Dahil hindi kapisan ni Issa ang kanyang inang si Mommy Guapa, madalas naman itong dumalaw ng Angeles.
Lime green ang color motif ng wedding nina Beth at Johnny. Ang ating kaibigang couturier na si Ronald Arnaldo ang gumawa ng dalawang gown ni Beth (isang bridal gown at ang isa naman ang isinuot niya sa reception sa ballroom ng Shangri-La Makati) at ng wedding entourage ganoon din ang suit ng groom.
Labindalawang pares ang mga tumayong ninong at ninang na binuo nina Fernando Cabuhat at ang inyong lingkod, Emmanuel de Pasion at Erlinda Angeles, Gen. Eliseo de la Paz at Victoria Elises, Dante Gutierrez at Belinita Espino, Orlando Ilacad at Rose Flaminiano, German Moreno at Cornelia Lee, Justice Diosdano Peralta at Carolina Lumagui, Cirio Santiago at Zenaida Reyes, Councilor Joseph Tamayo at Caridad Sanchez, Emelio Uy at Teresita Santos at sina Mayor Amado Boy Vicencio at Juanita Trofeo.
Si Nicolas Manlapaz ang tumayong Best Man at sina Judy Ann Santos at Armi de la Cruz ang Maids of Honor. Ang mga Groomsmen ay binuo nina Arturo Craig Atayde (mister ni Sylvia Sanchez), Dante Nico Garcia, Simon Huong, Stanley Kung, Victor Kung at Juancho Tamayo, Jr. habang ang mga Bridesmaids naman ay binubuo nina Mary Lee Giselle Dabao, Rechie del Carmen, Ma. Alinica Garcia, Kristine Joanne Gonzales, Imelda Lee at Regine Ann Maloles.Si Juan Sarte ang namahala ng hair and make-up ni Beth, si Robert Blancaflor ng 1816 Flowers sa mga bulaklak at si Rita Neri ng The Wedding Store ang wedding coordinator.
Ang Chinese husband ni Beth ay naka-base sa Guam kung saan naroon ang negosyo nito. Isa itong diborsiyado at may dalawang anak. Sa Guam din nagtagpo ang landas ng dalawa.
Balak sana ng mag-asawa na sa Europe mag-honeymoon sa loob ng isang buwan pero nabago ang plano dahil hindi puwedeng mawala si Beth nang matagal dahil sa kanyang ongoing teleserye sa ABS-CBN, ang Sarah: The Teen Princess kung saan siya ang kontrobida sa buhay ng bida na si Sarah Geronimo. Kaya sa halip ay Hawaii na lamang ang kanilang tuloy kung saan sila mamalagi sa loob ng isang linggo.xxxxxxxxPersonal: Ang aming pakikiramay sa iniwanang pamilya ni Mama Elay (Eli Formaran) na walang habas na pinatay sa sarili niyang pamamahay nung madaling araw ng Miyerkules. Si Mama Elay ay isang malapit na kaibigan hindi lamang sa mga entertainment writers kundi maging sa mga artista at mga kilalang news personalities at pulitiko. Hanggang sa mga sandaling ito ay hindi pa rin nahuhuli ang tunay na salarin.Mama Elay, mami-miss ka namin!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended