Iza, gustong maging tomboy

Matagal naming nakausap si Iza Calzado sa presscon ng Sabel na entry ng Regal Entertainment sa darating na Manila Film Festival. Gagampanan nito ang role ni Jenny, kaibigan ang social worker na ginampanan naman ni Judy Ann Santos. First time ng dalawa na magkasama sa pelikula. "Ang galing ni Juday umarte at komportable ako kapag kasama ko siya," aniya.

Nakasama na nito si Direk Joel Lamangan sa telebisyon pero first time niyang nakasama sa Sabel. Inamin ng aktres na minsan ay nasisigawan siya ni Direk lalo na kapag malikot siya. "Mas istrikto siya sa pelikula kaysa sa telebisyon," pagtatapat ng aktres. "Dito sa pelikula ay lagi niya akong niri-remind kung ano ang dapat kong gawin sa mga eksena," aniya.

Pangarap nitong makaganap sa papel ng tomboy. "Lumaki kasi ako at nag-aral sa Mirriam College at may pagka-boyish ako at mataba noong nasa high school. Para sa akin challenging ang role na isang tomboy," sey pa nito.

Kumusta naman ang kanyang lovelife?

"Wala po akong boyfriend ngayon. Last year nagkaroon ako ng non-showbiz boyfriend."

Kapag walang taping o syuting ay abala ito sa out-of-town shows.

Kung ang iba’y mahilig magparetoke ay never naman itong gagawin ni Iza dahil kuntento na siya sa ibinigay sa kanya ni Lord.

Nineteen years old nang magsimula siyang pumasok sa showbiz at nakilala sa komersyal ng Pantene.
Type Maging Komedyante Wala pang isang taon sa showbiz si Drew Arellano pero marami na itong proyekto. Sumikat siya sa komersyal na Pare ng isang shampoo. Ang kanyang ama na isang abogado ay kliyente si Boy Abunda na manager ngayon ng gwapong baguhang aktor.

Tapos ng Marketing sa Dela Salle si Drew at naging account manager ng isang advertising agency for one year bago napasok sa showbiz.

Type niyang maging komedyante kaya nagpapasalamat sa Syete dahil puro sitcom ang naibibigay sa kanya gaya ng Alltogether Now. "Malaki ang nagagawa kapag kasama mo ang magagaling na artistang sina Boyet de Leon, Johnny Delgado, Edgar Mortiz dahil nabibigyan ako ng pointers sa pag-arte," aniya.

Noon ay regular siyang nagwo-work-out pero nang maging abala ay naglalaro na lang siya ng basketball para ma-maintain ang magandang pangangatawan.

Dahil sa pinasukan niyang magulong daigdig ng showbiz ay nakahanda na siya sa intriga.
Bongga Ang Kwelanobela
Excited na si Rufa Mae Quinto dahil tatlo ang klase ng buntot na isusuot niya sa Marinara na ginawa ni Rene Abelardo. Ito rin ang gumawa ng buntot ni Claudine Barretto sa Marina. Humigit kumulang sa sampung kilo ang bigat ng buntot pero marunong lumangoy si Rufa kaya hindi siya mahihirapan sa dala-dalang buntot.

Bihira ang nakakaalam na swimmer-diver ang seksing aktres pero nag-swimming lesson pa rin ito kung saan naging instructor sa paglangoy si Jess Lapid na siya ring kukuha ng underwater scenes. Ito ang papalit sa Twin Hearts at si Rufa din ang kakanta ng theme song na komposisyon ni Ogie Alcasid.

Malaki ang production cost ng kwelanobela dahil malalaking artista ang mapapanood sa cameo role gaya ni Eddie Garcia. Magsusuot din ito ng buntot dahil lalaking sirena ang role nito.
Francine, Tamad Mag-Gym
Inamin ni Francine Prieto na mas daring ang mga eksena niya sa Liberated 2 kumpara sa naunang Liberated. Pero hindi naman ito bastos ayon pa sa aktres. May mga sizzling scenes sila ni Christian Vasquez.

Tamad itong mag-gym dahil tanghali na siyang gumising pero 100 time siyang nagsi-sit-ups. Strickly on diet ang magandang aktres at di kumakain ng kanin. Hindi rin siya nagso-softdrinks para hindi tumaba.
Tv Host, Bading Din?
May nakapagbulong na suki pala ng isang massage parlor ang isang sikat na TV host. Kung titingnan ay lalaking-lalaki ang dating nito pero bading din pala ayon sa isang source. Mga pogi ang kinukuha niyang magmamasahe.

Konektado ang TV host na hinihinalang bading sa isang sikat na network at gwapo ito at bata pa.

Show comments