Proof na effective at nagri-rate ang show niya ay everyday na nating mapapanood ang Victim starting June 7, 7:00 to 7:30 p.m. Dati kasi, every Saturday lang.
Mas madugo at pahirapan ang magiging trabaho nila dahil kailangan na nila ng mas maraming mabibiktima as in four victims per episode. "Halos dito na nga ako nakatira sa ABS-CBN dahil involve ako sa creative aspect ng show. Minsan makikita mo ako ng buong araw sa editing room. Talagang grabe ang trabaho. Pero okey lang, nako-compensate naman dahil ang taas ng rating namin," he said.
Ang per gap kasi pala, inaabot sila ng kung ilang oras para kunan dahil kailangan nilang maghintay sa artistang bibiktimahin. "Minsan, umaga nasa isang area na kami naghihintay don sa victim namin. Grabe minsan, mga eight hours kaming naghihintay nasa bubungan, hindi halos ako makahinga kasi baka any moment, dumating ang target victim namin," he recalled.
Minsan naman nasa car lang siya at wala siyang choice kundi mag-stay hanggang dumating ang target nila.
May time naman na kailangan nilang gumamit ng 11 camera para lang makuha lahat ng angle ng mga binibiktima nila.
Isa sa naging unforgettable victim episode ang kay Melanie Marquez na sobrang napikon nang madiskubre na pakana pala ng programa ni Carlos ang lahat.
Ganoon din ang episode ni Maritoni Fernandez na nanampal.
Pero may takot si Carlos nang sabihin sa kanya ng staff na si Ms. Charo Santos, her boss ang bibiktimahin niya.
"Naku takot na takot talaga ako non. Kasi baka after eh mawalan na ako ng trabaho." Sinet-up nila si Ms. Charo, vice president ng ABS-CBN na kunwari ay nag-aaway sa harap niya ang dalawang misis ni Rolando Navarette na na-feature sa Maalaala Mo Kaya just recently. Cool lang daw nong una si Ms. VP at tinitingnan lang ang staff na parang nagtatanong kung ano ba ang nangyayari. Pero wala raw kumikibo kahit ang security dahil nga kasabwat din ang mga ito. Pero grabe raw ang takot ng mga ito dahil baka pagkatapos ng episode na yun, wala na silang trabaho.
Ang ending, natapos naman pero hindi naka-dialogue ng Victim si Carlos na usual niyang sinasabi pag lumalabas siya.
"Ang sinabi ko lang, pasensiya na Maam, sorry po talaga."
Pero hindi sila nakalusot dahil nang bigyan nila ng flowers si Ms. Charo na maliit, nag-demand ito ng mas malaki. Yun pala, sila na ang na-victim.
In any case, three to four gaps per episode ang gagawin nila. "Mas marami kaming exciting episodes ngayon."
May agreement na pinipirmahan ang mga nabi-victim at may talent fee silang natatanggap at ang pinaka-importante, may consent ang malalapit sa taong bibiktimahin nila.
Isang source naman ang nagsabi na kaya naman aalis ng Insider si Cito ay bibigyan na siya ng sariling show, Straight From The Shoulder with Cito Beltran na sa ABS-CBN ipalalabas.
Pero sumagot agad ang isang kausap namin: "Hindi pa yun sure dahil nakikipag-negotiate din siya sa ABC 5."
Wait na lang tayo kung ano ang magiging decision ni Cito Beltran. Kung tatanggapin niya ang pamanang show ng kanyang namayapang ama o kung lilipat siya sa ABC 5.
Si Ted Failon daw ang papalit kay Cito as co-anchor ni Karen Davila sa Insider.