Janno Gibbs nahuhumaling sa isang bold star ?

Ano kaya ang gagawing reaksyon ngayon ni Bing Loyzaga kapag nalaman niya na ang kanyang asawang si Janno Gibbs ay umaali-aligid daw sa isang baguhang boldstar.

Ayon sa aking source, ang alaga umano ni Katrina Paula na si Kuhdet Honasan ang siya raw ngayong pinupuntirya ni Janno matapos itong hindi lumusot kay Aleck Bovick dahil agad itong umugong, at bago pa man makarating kay Bing ay agad na itong pinabulaanan ng dalawa.

Pabubulaanan din kaya ni Janno ang balitang panay ang tawag niya kay Kuhdet habang nagsu-shooting ito ng pelikulang Karelasyon sa Laguna? Dinig na dinig ng source ko nang tumunog ang cellphone ni Kuhdet at nang damputin ito ng sexy star ay agad na narehistro sa mga labi nito ang isang matamis na ngiti dahil si Janno nga ang nasa kabilang linya. Halatang nagsasabi umano si Janno ng mga sweet-nothings dahil kinikilig naman si Kuhdet habang nakikipag-usap.

Tila isang pusa umanong di-maihi itong bold star habang nakakarinig ng mga pambobola ni Janno. Idinagdag pa ng aking source na medyo nagtagal din ang pag-uusap ng dalawa kung kaya’t mukhang may namumuno na umanong relasyon sa mga ito. Tonton Villamor

Show comments