Sandara,umaming mas magaling sa kanya ang natanggal na si Neri
May 28, 2004 | 12:00am
Unti-unti na ring napapansin si Miko Palanca hindi lamang bilang nakababatang kapatid ni Bernard Palanca kundi sa sarili niyang sikap. Visible ngayon si Miko na regular na napapanood sa It Might Be You na pinangungunahan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonso. Bago ito, napanood din siya sa Tabing Ilog, Pangako Sa Yo at Buttercup. Napasama rin siya sa mga pelikulang Yamashita, My First Romance at Otso-Otso ng Star Cinema.
Maganda ang exposure ni Miko sa It Might Be You dahil ka-love triangle siya nina John Lloyd at Bea.
Si Miko ay kasama sa Batch 8 ng Star Circle.
Marami akong natatanggap na reaction tungkol sa Star Circle Quest na ngayon ay lima na lang ang naglalaban-laban. Isa lamang ang reaction ni Lulu ng Sta Ana Manila sa aming napakaraming tinanggap pero wala na kaming espasyo para i-print ang reaction letters.
Ganunpaman, sa presscon na ipinatawag ng ABS-CBN na may kinalaman sa nalalapit na Star Circle Quest finals na nakatakdang ganapin sa Araneta Coliseum sa darating na Hunyo 5 sa ganap na ika-lima ng hapon, klinaro ng VP for Production, Talk & Variety Shows na si Deo Endrinal na hindi naging madali ang proseso ng pagpili ng Magic Five ng Star Circle Teen Questors na binubuo nina Hero, Roxanne, Sandara, Joross at Melissa dahil silang lima ay sinala sa mahigit 5,000 applicants hanggang sa umabot lamang sa lima. Ang judging criteria ay nagsimula sa mga isinagawang exercises mula sa acting, singing, dancing at pagpapakita ng iba pa nilang talent skills. Doon pa lamang ay isa-isa nang hinuhusgahan ang mga questors pero ang boto ng mga hurado ay hindi lamang sa kanila nagmumula kundi maging sa mga mentors, text and phone votes at maging ang ABS CBS votes. Ang prosesong ito ay walang kaibahan sa number one reality talent search ng Amerika, ang American Idol kung saan nakapasok sa Top 3 ang Filipinang si Jasmine Trias.
Nang humarap sa press ang Circle of Five ng Star Circle Teen Questors at Star Circle Kid Questors na ginanap sa Annabels nung nakaraang Martes ng tanghali, nalagay sa hot seat si Sandara at tila hindi nito nakayanan ang mga ibinato sa kanyang katanungan ng ilang entertainment writers kaya hindi nito napigilan ang pag-iyak. Inamin ni Sandara na mas magaling sa kanyang di hamak si Neri pero hindi nga naman siya ang nagdesisyon na siyay mapasama sa Circle of 5 kaya bakit nga naman siya ang sisisihin? Ganunpaman, pinayuhan namin si Sandara na tanggapin bilang malaking hamon sa kanyang kakayahan ang kanyang pagkakapasok sa Circle of 5 sa halip na maapektuhan sa mga negatibong puna sa kanya. Sa totoo lang, naawa pa kami kay Sandara nang itoy umiyak sa harap ng mga dumalong entertainment writers. Nangangahulugan lang na hindi pa siya handa na harapin ang mas matitindi pang hamon na naghihintay sa kanya.
Samantala, silang limang Star Circle Teen Questors at limang Star Circle Kid Questors ay lahat panalo. Kung sinuman ang tatanghaling final winner ay hindi nangangahulugan na out na ang iba. Sa pagkakaalam namin, bibigyan silang sampu ng sarili nilang programa ng ABS-CBN. Ang limang Star Circle Kid Questors ay binubuo nina Sharlene, Nash, CJ, Mikylla at Aaron. Bago ang June 5 grand finals sa Araneta Coliseum, ang sampung questors (teens & kids) ay mapapanood sa Cebu Coliseum sa darating na Sabado, Mayo 29 para makapiling ang kanilang mga fans. Ang bawat isa sa pumasok sa Star Circle Teen Questors at Star Circle Kid Questors ay may nakalaan nang tig-iisang milyon cash at kontrata mula sa ABS-CBN at ang ultimate winner ng teen at kid category ay madadagdagan ng tig-iisa pang milyon ng cash at kontrata. Kung magtatapos sa Hunyo 5 ang unang Star Circle Quest, sisimulan naman ng ABS-CBN ang kanilang nationwide search ng susunod na Star Circle Quest na magsisimulang mapapanood sa buwan ng September. Bukod sa nationwide search, may limang candidates ang magmumula sa East Coast at lima ring cadidates ang magmumula sa West Coast sa Amerika. Lahat ng mga finalist sa nationwide search at maging sa Amerika ay siyang maglalaban-laban simula sa airing nito sa buwan ng September. Samantala, ang Saturday time slot ay papalitan ng drama program ng mga 10 teen and kid questors at ultimate winners habang ang Lunes hanggang Biyernes na time slot ng SCQ ay ookupahan naman ng Victim Extreme ni Carlos Agassi.
<[email protected]>

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended