^

PSN Showbiz

Aiai addict sa badminton

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Bukas ng gabi ang first night ng restaging ng Temptation Island.... Live! Reloaded na gaganapin sa Republic of Malate. Ayon sa bidang aktor na si John Lapus, mas exciting ang reloaded version dahil pinatindi nila ang mga eksena pati na rin ang production values ng show.

"Siyempre, kapatid, nagi-expect ang followers ng Temptation Island ng something new. The story syempre will be the same but the execution of the scenes, mas pinatindi namin. ‘Yung mga hindi namin nagawa noong first staging, gagawin namin ngayon," kwento ni John.

Nahihiya man, naikwento na rin ni John na rehearsal pa lang ay pinatikim na siya ng lupit ng isa sa bidang aktor, si Danny Ramos.

"Hindi ko kinaya yon," kwento ni John. "Pero sa akin, wala naman ‘yon, e dahil part talaga ng show. Mas bobonggahan namin ‘yung scene sa performance na."

Kasama sa cast sina Christian Vasquez, Romnick Sarmienta, Harlene Bautista, Ricky Rivero, Face Sales at iba pa. Si Chris Martinez ang magdidirek nito.

Si John ang producer ng Temptation Island.... Live! Reloaded kaya nakiusap siya sa akin na i-mention ko rin ang mga sumuporta sa kanyang project ‘tulad ng First Quadrant, Kissa Papaya Whitening Soap, Ystilo, Hairwatch, Porsche Jeans and Shirts, Weighless Center, Klownz Comedy Bar, Comic Lab at Zirkoh Comedy Bar.

For ticket inquiries and reservations, you can call 0918-9427056 and look for Roy San Luis.
* * *
Grabe ang ginagawang pagpapayat ngayon ni Aiai delas Alas. Nahuhumaling ngayon ito sa badminton. Hindi na siya nagsusuot ng girdle dahil malaki na ang ni-lose niyang weight.

Malapit nang matapos ang shoot ni Aiai para sa pelikulang Volta. Showing na kasi ito sa June, bilang entry sa Manila Film Festival.

Happy si Aiai dahil mailalabas na ang pelikula niyang iniaalay niya para sa mga bata. No’ng tinanggap pala ni Aiai ang role, inisip niya ang kanyang mga anak. Tiyak daw na magugustuhan ng mga anak niya ang superhero niyang role.

Lalo pa ngayon na in na in ang mga superhero at fantasy. Ito ang unang pagkakataon na gagawa ng pelikula ang Star Cinema about an all original Pinoy superhero.

Ang Volta ay kwento ng isang barrio woman na naging superhero dahil sa lakas na nanggagaling sa kuryente. In full costume dito si Aiai.

Si Wenn Deramas ang direktor ng Volta, the same director who created Marina. Sina Mel del Rosario at Artemio Abad ang sumulat ng script ng Volta.

Kasama rin sa cast ng Volta sina Jean Garcia, Diether Ocampo, Onemig Bondoc, Dustin Cuyugan at introducing sina Dustin Reyes at Pauleen Luna.
* * *
Dati na akong hanga sa Akafellas, ang all-male singing group na pawang acapella ang pini-perform. Pero mas lalo akong humanga nang marinig at makita ko silang mag-perform last Saturday sa Dish (ABS-CBN branch). Regular gig nila yon sa nasabing place.

Hahangaan mo talaga ang kanilang performance. Iisipin mo na accompanied sila by a band pero hindi. Napakahusay talaga. I hardly commend singing group dahil pare-pareho naman ang kanilang istilo but Akafellas is completely different. Their music is entertaining.

Mayroon silang album under Star Records. Sila ang kumanta ng kakaibang version ng "Annie Batungbakal".

No wonder, punumpuno ang Dish nung gabing ‘yon. Talagang may following na ang grupo. Sa Sabado, muli silang magpi-perform sa Dish@ABS-CBN kaya kung gusto ninyong ma-entertain, go kayo sa Dish.

Speaking of Dish, dinadayo ito ngayon at sinasabing, the most exciting dining and gimmik place in Quezon City. Ito ay dahil sa piling artists na nagpi-perform nightly at ang practically-priced food and drinks. Highly-commendable ang service ng staff. At higit sa lahat, walang cover charge. Open ito sa public.

vuukle comment

AIAI

AKAFELLAS

ANG VOLTA

ANNIE BATUNGBAKAL

ARTEMIO ABAD

CHRIS MARTINEZ

CHRISTIAN VASQUEZ

COMIC LAB

TEMPTATION ISLAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with