Luke Mejares,ikinumpisal ang asawa't anak sa media
May 26, 2004 | 12:00am
Ayaw ni Luke Mejares na matulad sa kanya ang kanyang anak na itinatwa ng kanyang ama kung kaya kahit marami ang nagpapayo sa kanya na huwag aminin ang pagiging ama niya ay sinabi niya sa launching ng kanyang first solo album sa BMG Records (Pilipinas), Inc. na pinamagatang "Stop...Luke... Listen" na totoong may anak siyang babae na nagngangalang Akeisha isang African word na ang ibig sabihin ay "My Favorite". Dalawang buwan na ito at isinilang sa US. Ang ina nito ay ang long time girlfriend niya. When he got her pregnant nag-decide si Luke na pakasalan ito sa isang civil rites last year pero nag-plano rin sila ng isang church wedding na magaganap sa taong ito.
Sinabi ni Luke na maraming pagbabago ang naging dulot ng pagkakaroon niya ng anak. Bukod sa malaki itong blessing sa kanya ay nabigyan pa siya nito ng napakalaking inspirasyon.
"This is the first time na someone ask me about my wife and child. Although hindi ako sure kung tatanggapin ng tao ang aking change of status, I believe that honesty is the best policy, at ang family ko ang priority ko," seryosong sabi ng itinuturing na King of R&B bagaman at ayaw niya itong tanggapin dahil aniyay "Mahirap itong panindigan."
Bagaman ang paglabas ng kanyang "Stop...Luke..." ay isang malaking patunay ito ng kanyang superiority bilang isang singer.
The album contains 12 tracks which include "Paano Na" and compositions by Jimmy Bondoc, Mike Luis and Keith Martin at remakes ng "Spell" ni Deon Estus at "Rock Steady" ng Whispers.
Bukod sa album, may nakatakdang solo concert si Luke na may titulong katulad din ng album sa OnStage Greenbelt, Makati sa Hunyo 5, 8:30 PM kasama sina Keith Martin, Ogie Alcasid, Kyla, Monserrat Singers, The Maneuovres at Juliana Palermo.
Ang concert ay nasa direksyon ni Marc Lopez.
"Nakakatakot mag-solo kapag galing ka sa isang banda, ako lang ang nagdadala ng pressure. Pero, nakaka-challenge din," ani Luke.
Sinabi ni Bayani Agbayani na nakikita niya ang kanyang sarili sa reject ng American Idol na si William Hung na ngayon ay humahataw ang album sa pamamagitan ng awiting "She Bangs".
"Pareho kasi kaming hindi marunong kumanta at sumayaw pero nasa recording na," anang recording star ng Alpha Records na kari-release lamang ng kanyang album na "Ito Ang Gusto Mo" pero gusto na agad ng isang follow up.
Ang album ay nagtatampok sa mga single hits ni Bayani na "Otso Otso" at ang Himig Handog entry na "Alam Kong Di Ako, OK Lang", ang carrier single na "Atras Abante", "Pag-Undress Na Ako", " Tango Ng Puso", "Atin Ang Gabi", "Kung Di Lang Din Ikaw", "Pag Puti Na Ang Uwak", "Si Misis" at ang "Di Man Mahusay Kumanta".
"Nakakahinga na ako ngayon at di na ako natatakot na umakyat ng stage dahil may gagawin na ako," sabi ni Bayani sa album launching niya na ginawa sa Ratsky-Morato na kung saan ay isa siya sa mga kasosyo. "Dati kasi, nung wala pa akong kanta ay takot akong magtagal sa stage dahil di ako tulad nina Aiai at Arnell na nakakasustain ng audience. Maraming alam gawin sa ibabaw ng stage. Ngayon, pwede na rin akong kumanta at sumayaw," pagmamalaki ni Bayani na umaming may 3 album contract siya sa Alpha.
Sayang at exclusive sa Gilbeys Gin ang Gilbeys Gin Girls dahil mabilis ang kanilang pagsikat kung kaya marami na rin ang nagiging interesado sa kanila.
No way lahat ng ito sa mga bagong celebs dahil abala sila sa nationwide "Search and Spin" promo ng Gilbeys Gin na thousands of prizes na ang naipapamigay since magsimula ito nung buwan ng Marso. Tulad ni Imelda Evangelista ng Maynila na nanalo ng P10,000; Barbara Jane Locsin, Makati, P5,000,;Dean Barrameda, Legaspi City, Orwen Polinar, Iloilo City, Jose Maria Fernandez, Laguna, Edwin Barrie, Pasig, Marvin Manibo Arellano, Makati at Romulo Poblacion, Tondo ng tig-P1,000 each. Nagbibigay ang promo sa 300,000 tao ng mga produkto ng Gilbeys Gin at island Lime Mixers at libo-libong instant prizes at para sa grand prize ay isang brand new Mini Cooper.
Bumili ng Gilbeys Gin at may prize coupon sa loob ng kahon nito. Dun makikita ang premyo na mapapanalunan ng bumili nito.
Sinabi ni Luke na maraming pagbabago ang naging dulot ng pagkakaroon niya ng anak. Bukod sa malaki itong blessing sa kanya ay nabigyan pa siya nito ng napakalaking inspirasyon.
"This is the first time na someone ask me about my wife and child. Although hindi ako sure kung tatanggapin ng tao ang aking change of status, I believe that honesty is the best policy, at ang family ko ang priority ko," seryosong sabi ng itinuturing na King of R&B bagaman at ayaw niya itong tanggapin dahil aniyay "Mahirap itong panindigan."
Bagaman ang paglabas ng kanyang "Stop...Luke..." ay isang malaking patunay ito ng kanyang superiority bilang isang singer.
The album contains 12 tracks which include "Paano Na" and compositions by Jimmy Bondoc, Mike Luis and Keith Martin at remakes ng "Spell" ni Deon Estus at "Rock Steady" ng Whispers.
Bukod sa album, may nakatakdang solo concert si Luke na may titulong katulad din ng album sa OnStage Greenbelt, Makati sa Hunyo 5, 8:30 PM kasama sina Keith Martin, Ogie Alcasid, Kyla, Monserrat Singers, The Maneuovres at Juliana Palermo.
Ang concert ay nasa direksyon ni Marc Lopez.
"Nakakatakot mag-solo kapag galing ka sa isang banda, ako lang ang nagdadala ng pressure. Pero, nakaka-challenge din," ani Luke.
"Pareho kasi kaming hindi marunong kumanta at sumayaw pero nasa recording na," anang recording star ng Alpha Records na kari-release lamang ng kanyang album na "Ito Ang Gusto Mo" pero gusto na agad ng isang follow up.
Ang album ay nagtatampok sa mga single hits ni Bayani na "Otso Otso" at ang Himig Handog entry na "Alam Kong Di Ako, OK Lang", ang carrier single na "Atras Abante", "Pag-Undress Na Ako", " Tango Ng Puso", "Atin Ang Gabi", "Kung Di Lang Din Ikaw", "Pag Puti Na Ang Uwak", "Si Misis" at ang "Di Man Mahusay Kumanta".
"Nakakahinga na ako ngayon at di na ako natatakot na umakyat ng stage dahil may gagawin na ako," sabi ni Bayani sa album launching niya na ginawa sa Ratsky-Morato na kung saan ay isa siya sa mga kasosyo. "Dati kasi, nung wala pa akong kanta ay takot akong magtagal sa stage dahil di ako tulad nina Aiai at Arnell na nakakasustain ng audience. Maraming alam gawin sa ibabaw ng stage. Ngayon, pwede na rin akong kumanta at sumayaw," pagmamalaki ni Bayani na umaming may 3 album contract siya sa Alpha.
No way lahat ng ito sa mga bagong celebs dahil abala sila sa nationwide "Search and Spin" promo ng Gilbeys Gin na thousands of prizes na ang naipapamigay since magsimula ito nung buwan ng Marso. Tulad ni Imelda Evangelista ng Maynila na nanalo ng P10,000; Barbara Jane Locsin, Makati, P5,000,;Dean Barrameda, Legaspi City, Orwen Polinar, Iloilo City, Jose Maria Fernandez, Laguna, Edwin Barrie, Pasig, Marvin Manibo Arellano, Makati at Romulo Poblacion, Tondo ng tig-P1,000 each. Nagbibigay ang promo sa 300,000 tao ng mga produkto ng Gilbeys Gin at island Lime Mixers at libo-libong instant prizes at para sa grand prize ay isang brand new Mini Cooper.
Bumili ng Gilbeys Gin at may prize coupon sa loob ng kahon nito. Dun makikita ang premyo na mapapanalunan ng bumili nito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended