Hindi naman nawala sa sirkulasyon ang South Border kahit naman iniwanan sila ni Brix Ferraris at Luke Mejares dahil nandyan naman si Jay na kumakanta rin ng solo sa banda. Pero higit pang sumigla at nabuhayan ng loob ang grupo nang pumasok sa eksena sina Vince Alaras at Duncan Ramos bilang soloista ng banda.
Kaya naman sa bagong album ng banda ay pinamagatan nila itong "South Border: Episode III" Ang carrier single ng album ay ang sikat na awitin ngayon na "Rainbow" na sinulat ni Sharon Inductibo manager ng South Border na base sa istorya rin ng banda.
"Naisip ko lang kasi na gumawa ng song na kakaiba dun sa karaniwang music ng SB na love songs at sentimental. Nasa studio kami noon at sinabi ko kay Jay habang tumutugtog siya ng mga melodies para sa next album namin na bakit hindi tayo gumawa ng kanta na simple lang at feel good for a change? Yung tipong ang tema ay life is still beautiful kahit twice na tayong iniwan ng mga singers natin, nakulong ka (Jay), maraming dumating na intriga pero still nandito pa rin tayo at okey," mahabang kwento ni Sharon.
At mabilis din na nagawa ni Jay on the spot ang melody chorus na "Butterfly..." nang oras na yun, (nung month of November), sa kanilang studio. Agad-agad din naisip ni Sharon ang mga wordings na "Even if there is a pain now, Every thing would be all right For as long as the world still turns. Therell be night and day!....." Ngayon ang kantang "Rainbow" ay nasa number 1 countdown na sa mga radio stations.
Ang album ay naglalaman ng 10 cuts at bukod sa "Rainbow" ay magaganda rin ang mga kantang "Brown Hand Smash" na sinulat ni Jay; "The Show"; "Playa," nina Jay, Vince at Duncan; "Wish You Where Here"; "Best That I Can," collaboration nina Janice de Belen, Sharon at Jay; "Better Man," nina Butch Victoriano (lead guitarist), Vincent at Duncan; "Too Crazy," ni Duncan; "Where Ever You Are," sinulat pa rin ni Vincent; at "Usahay" isang Visayan song na tribute ng banda sa kanilang kababayan since na tubong Davao ang grupo. Ang album ay pasasalamat din ng grupo sa kanilang mga fans na walang sawang sumuporta lalo na nung dumaraan sa pagsubok ang grupo.
At kahit parang kailan lang na nag-audition sina Vince at Duncan hetot halos magda-dalawang taon na silang kapamilya ng South Border. Ngayon ay pareho na silang nakabili nang sarili nilang kotse. Si Duncan ay may CRV samatalang Mercedez Benz naman kay Vince. Next year ay target nilang makakuha ng house and lot.