Ang mananalong kanta ay tatanggap ng 250 libong pisong premyo. Pero hindi iyan ang ikinatuwa namin, mas natuwa kami na kahit papaano, binigyan nila ng pagpapahalaga si Levi Celerio. Mahigit na apat na libong awiting Pilipino ang nalikha o nalagyan ng lyrics ni Mang Levi. Sinabi naming mahigit na apat na libo kasi maski na nga siya, noong panahong nabubuhay pa siya, hindi na niya nabibilang kung ilan ang ginawa niya. Basta alam niya mahigit na apat na libo na iyon, pero hindi na niya alam kung ilan ang eksaktong bilang.
Karamihan sa ginawa ni Mang Levi ay itinuturing na klasekong awitin na. Karamihan sa mga iyon ay malalaking hits talaga. Pero hindi yumaman si Mang Levi noong panahong nabubuhay pa siya. Sa kanyang edad na mahigit na walumpu na noon, kailangan pa niyang tumugtog sa isang restaurant sa Quezon City, kasi kailangan niyang maghanapbuhay pa. At saka sa totoo lang, hindi naman niya talaga maiwan ang pagtugtog ng kanyang biyolin.
Marami siyang naiambag sa kultura ng Pilipinas, kaya nga ibinilang siya sa isa sa mga national artists, pero wala siyang natatanggap na suporta mula sa gobyerno kung di ang dalawampung libong pisong bigay nila sa mga national artists.
Kung kailan wala na si Mang Levi, saka naman siya nabibigyan ng parangal. Siguro, mas natuwa siya kung nakita niya ang isang music festival na ipinangalan sa kanya, noong panahong buhay pa siya.
Pero tama rin naman na kabahan si Kuya Germs sa nangyayaring iyan, dahil malapit na ang Star Olympics. Ang mga ganyan nga namang alitan ay posibleng magkaroon ng epekto sa mga laro. Kaya ang gusto niya magkasundo na ang lahat.
Hindi maliwanag sa amin kung sinampahan na nga ba siya ng kaso, at kung bakit hindi man lang siya makapaglagak ng piyansa eh iyong ganoong kaso naman ay bailable.
Hindi naman sa kinakampihan namin ang talent manager, o kinukunsinti namin ang pagbubugaw, pero naisip lang namin mas maraming kriminal na mas matindi ang ginawa pero nakakapagpiyansa.