Shaina, pinag-aawayan na nina Jolo at ang gf nito
May 23, 2004 | 12:00am
Hindi pa man nag-uumpisa ang promo ng Seasons of Love nina Jolo Revilla at Shaina Magdayao ay nag-away na raw sina Jolo at ang girlfriend nitong si Grace Adriano, anak ni Rosanna Roces.
Naikuwento raw ni Jolo sa isang kaibigan na nag-away sila ni Grace dahil napanood daw nito sa TV Patrol na masayang-masaya si Jolo during the picture taking at contract signing niya na kung saan ay naroon si Shaina.
Namumublema na naman si Jolo dahil medyo mahirap daw pawiin ang init ng ulo ni Grace at maski raw anong paliwanag niyang loveteam lang at trabaho lang iyon ay tila hindi siya pinakikinggan ng dalagita.
Dagdag pa na bago raw pumunta si Jolo sa ABS-CBN para sa contract signing ay nagpaalam siya kay Grace at okay pa ang usapan nila, naiba na lang nung maiulat sa TV Patrol ang reaksyon nina Jolo at Shaina sa muling pagkikita.
Susme, may love triangle kaagad, bakit kaya hindi na lang kunin ng Dos si Grace para maging realidad ang love triangle?
Follow up ito sa isinulat naming meeting ng magulang ni Charee Pineda sa Tape, Inc. producer na si Ms. Malou Choa-Fagar tungkol sa ginawang paninigaw ni Direk Ruel Bayani sa set ng Ikaw Sa Puso Ko.
Humingi naman daw ng dispensa si Ms. Fagar sa magulang ng trese-anyos na bagets at nabanggit na hindi naman isolated case ang ginawa kay Charee dahil lahat naman daw ng artistang baguhan ay nakakaranas ng paninigaw sa mga direktor lalot hindi ito nakaka-deliver sa gustong mangyari ng direktor, nagkataon lang na masyadong bata pa si Charee kaya hindi nito nakayanan ang mga narinig na salita buhat sa direktor ng naturang soap drama nina Oyo Boy Sotto at Nadine Samonte.
Kakausapin ni Ms. Malou si Direk Ruel tungkol sa reklamo ng magulang ng bata at pagkatapos ay paghaharapin sila para raw maayos na.
Ayon pa, hindi naman daw pinipigilan ng naturang lady executive ang magulang ni Charee kung gusto nilang magsampa ng reklamo, sana ay magkausap muna ang direktor at magulang para magkaliwanagan.
Dagdag na kung maari ay huwag daw munang ipalabas ang mga nangyari dahil naapektuhan din daw ang TAPE, Inc. sa pangyayari, pero naiintindihan ni Ms. Malou ang nararamdaman ng magulang ng batang hinarass ni Direk Ruel.
Sa ganang amin, mataas kasi ang rating ng Ikaw Sa Puso Ko kaya alanganin din marahil si Ms. Malou kung anong gagawin kay Direk Ruel, siyempre naman, sino ba naman si Charee kumpara sa direktor?
Disappointed ang mga taga-StarStruck Kids kay Rufa Mae Quinto nung ito ang pumalit kay Jolina Magdangal bilang host for one week dahil out of the country si Jolens.
Maganda raw ang feedback ng viewers kay Rufa Mae dahil nakakatawa itong mag-host sa mga bagets, pero dismayado sila dahil hindi naman daw nahilang pataas ni Rufa Mae ang ratings, wala raw pagbabago.
Ganting sagot naman namin ay, "kunin nyo si Regine Velasquez, tiyak na hahataw yan sa ratings" at kaagad kaming sinagot ng "dyuhal ang budget no".
Kayat kung hindi pa babalik si Jolina next week ay si Dingdong Dantes pa rin ang kukunin nila, hindi lang namin naitanong kung napataas ni Dingdong ang rating kapag siya ang pumapalit as host. Reggee Bonoan
Naikuwento raw ni Jolo sa isang kaibigan na nag-away sila ni Grace dahil napanood daw nito sa TV Patrol na masayang-masaya si Jolo during the picture taking at contract signing niya na kung saan ay naroon si Shaina.
Namumublema na naman si Jolo dahil medyo mahirap daw pawiin ang init ng ulo ni Grace at maski raw anong paliwanag niyang loveteam lang at trabaho lang iyon ay tila hindi siya pinakikinggan ng dalagita.
Dagdag pa na bago raw pumunta si Jolo sa ABS-CBN para sa contract signing ay nagpaalam siya kay Grace at okay pa ang usapan nila, naiba na lang nung maiulat sa TV Patrol ang reaksyon nina Jolo at Shaina sa muling pagkikita.
Susme, may love triangle kaagad, bakit kaya hindi na lang kunin ng Dos si Grace para maging realidad ang love triangle?
Humingi naman daw ng dispensa si Ms. Fagar sa magulang ng trese-anyos na bagets at nabanggit na hindi naman isolated case ang ginawa kay Charee dahil lahat naman daw ng artistang baguhan ay nakakaranas ng paninigaw sa mga direktor lalot hindi ito nakaka-deliver sa gustong mangyari ng direktor, nagkataon lang na masyadong bata pa si Charee kaya hindi nito nakayanan ang mga narinig na salita buhat sa direktor ng naturang soap drama nina Oyo Boy Sotto at Nadine Samonte.
Kakausapin ni Ms. Malou si Direk Ruel tungkol sa reklamo ng magulang ng bata at pagkatapos ay paghaharapin sila para raw maayos na.
Ayon pa, hindi naman daw pinipigilan ng naturang lady executive ang magulang ni Charee kung gusto nilang magsampa ng reklamo, sana ay magkausap muna ang direktor at magulang para magkaliwanagan.
Dagdag na kung maari ay huwag daw munang ipalabas ang mga nangyari dahil naapektuhan din daw ang TAPE, Inc. sa pangyayari, pero naiintindihan ni Ms. Malou ang nararamdaman ng magulang ng batang hinarass ni Direk Ruel.
Sa ganang amin, mataas kasi ang rating ng Ikaw Sa Puso Ko kaya alanganin din marahil si Ms. Malou kung anong gagawin kay Direk Ruel, siyempre naman, sino ba naman si Charee kumpara sa direktor?
Maganda raw ang feedback ng viewers kay Rufa Mae dahil nakakatawa itong mag-host sa mga bagets, pero dismayado sila dahil hindi naman daw nahilang pataas ni Rufa Mae ang ratings, wala raw pagbabago.
Ganting sagot naman namin ay, "kunin nyo si Regine Velasquez, tiyak na hahataw yan sa ratings" at kaagad kaming sinagot ng "dyuhal ang budget no".
Kayat kung hindi pa babalik si Jolina next week ay si Dingdong Dantes pa rin ang kukunin nila, hindi lang namin naitanong kung napataas ni Dingdong ang rating kapag siya ang pumapalit as host. Reggee Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended