James Blanco, isa pang biktima ni Direk Ruel Bayani!
May 23, 2004 | 12:00am
Meron pang isang aktor na tumanggap ng mura ni Direktor Ruel Bayani. Ito ay si James Blanco.
Na-late minsan sa taping ng isang soap opera si James dahil masama ang pakiramdam nito. Pagdating sa set ay masasakit na salita ang pinakawalan ng director ay napahiya ang aktor dahil maraming nakakarinig. Kundi pa naawat ay baka nasuntok ng sikat na aktor ang magagaliting director.
May natapos nang Japanese movie si Jacky Woo, ang kilalang action star. Kasama niya ang malalaking artista ng Asya kung saan maraming delikadong stunts na naman ang kanyang ipamamalas.
Sa Hunyo at baka pumunta ng Pilipinas ang action star kasama ang mga artista ng Japan para mag-location hunting. Kung matatandaan ay na-in-love sa ganda ng Cebu si Jacky kaya doon nagsyuting para sa pelikula niyang Dudurugin Ko Pati Buto Mo katambal si Aya Medel. Kasama rin ng aktor ang ilang prodyuser ng China at Korea sa pagdalaw sa Pilipinas. Ang ating bansa ay mayaman sa magagandang tanawin at ito ang gustong maging location ng syuting ng international movies na kanilang gagawin na joint venture ng Japanese at Chinese prodyuser.
Ang Siguorin Kiyonski ay umani nang tagumpay nang ipalabas ito sa ilang dako ng Asya na tinampukan ni Jacky. Dito nga siya naaksidente dahil sa peligrong stunts.
Muling mapapanood ng mga tagahanga ni Jacky ang kanilang idolong action star sa Satsu sa Channel 5 simula Mayo 25.
Under negotiation pa ang isang soap opera na tatampukan nito sa Channel 5.
Nanalong konsehal ang asawa ni Lindsay Custodio ng Tanauan Batangas. Number one sa mga naglalabang konsehales si Julius Caesar Platon II. Nanggaling ito sa angkan ng mga pulitiko dahil ang kanyang yumaong ama ay siyam na taong naging mayor ng Tanauan.
Laban sa kalooban ng magandang aktres-singer ang pagpasok sa pulitika ni Julius pero wala rin siyang magawa dahil masidhi din ang hangarin nitong makapaglingkod sa bayan.
Nasa bahay lang si Lindsay at may negosyo, gumagawa siya ng homemade cakes, chocolates at cookies na idini-deliver sa ibat ibang iskwelahan at bangko. Magaling magluto ang singer kaya malakas ang kanyang negosyo. Sa kabilang banda ay manager ng Security Agency si Julius kung saan ang presidente ay ang ina nito. Treasurer naman si Lindsay ng agency.
Gustong ipagpatuloy ng singer ang kanyang pag-aaral, gusto nitong mag-shift from AB to Dentistry habang ang kanyang asawa naman ay magpapatuloy ng pag-aaral ng abogasya.
Hindi pa nasusundan ang kanilang anak na dalawang taon at kalahati na supertalino at bibo pa.
Hindi pa nagko-concede si Mayor Rey Malonzo bilang congressman sa 2nd district ng Caloocan. Pero tanggap na nito ang pagkatalo ni Gigi bilang mayor.
Sakaling hindi siya palarin sa kongreso ay ano na ang balak nito?
"Babalik na ako siguro sa pagiging ordinaryong mamamayan at magpo-prodyus na lang ako ng pelikula," aniya.
Pero may naririnig kaming balita na early next year ay magiging miyembro ito ng gabinete ng administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo. Batay sa feedback mas gusto nilang maging MMDA Chairman si Mayor Rey.
Nagsimula na ng syuting si Tanya Garcia sa Kulimlim na entry ng Viva Films sa darating na Manila Film Festival. Siya ang leading lady ni Robin Padilla.
Pinabulaanan ng magandang aktres na aalis na siya sa Twin Hearts at lilipat na sa Dos dahil bilang alaga ng Viva ay gusto ng kompanya na ang lahat ng talent nila ay nasa Dos na.
Tatapusin nito ang Twin Hearts at pagkatapos ay may nakalinya nang soap opera o sitcom para sa kanya. Never niyang iiwan ang Siyete dahil suportado naman siya ng network at masaya si Tanya dahil marami rin siyang mga TV guesting bukod pa sa teleserye.
Nilinaw pa rin nito na ikakasal na sila ng nobyo.
"Matatagalan pa bago ako lumagay sa tahimik although masaya ako sa aking nobyo dahil supportive siya sa aking career at naiintindihan nito ang aking trabaho," aniya.
Na-late minsan sa taping ng isang soap opera si James dahil masama ang pakiramdam nito. Pagdating sa set ay masasakit na salita ang pinakawalan ng director ay napahiya ang aktor dahil maraming nakakarinig. Kundi pa naawat ay baka nasuntok ng sikat na aktor ang magagaliting director.
Sa Hunyo at baka pumunta ng Pilipinas ang action star kasama ang mga artista ng Japan para mag-location hunting. Kung matatandaan ay na-in-love sa ganda ng Cebu si Jacky kaya doon nagsyuting para sa pelikula niyang Dudurugin Ko Pati Buto Mo katambal si Aya Medel. Kasama rin ng aktor ang ilang prodyuser ng China at Korea sa pagdalaw sa Pilipinas. Ang ating bansa ay mayaman sa magagandang tanawin at ito ang gustong maging location ng syuting ng international movies na kanilang gagawin na joint venture ng Japanese at Chinese prodyuser.
Ang Siguorin Kiyonski ay umani nang tagumpay nang ipalabas ito sa ilang dako ng Asya na tinampukan ni Jacky. Dito nga siya naaksidente dahil sa peligrong stunts.
Muling mapapanood ng mga tagahanga ni Jacky ang kanilang idolong action star sa Satsu sa Channel 5 simula Mayo 25.
Under negotiation pa ang isang soap opera na tatampukan nito sa Channel 5.
Laban sa kalooban ng magandang aktres-singer ang pagpasok sa pulitika ni Julius pero wala rin siyang magawa dahil masidhi din ang hangarin nitong makapaglingkod sa bayan.
Nasa bahay lang si Lindsay at may negosyo, gumagawa siya ng homemade cakes, chocolates at cookies na idini-deliver sa ibat ibang iskwelahan at bangko. Magaling magluto ang singer kaya malakas ang kanyang negosyo. Sa kabilang banda ay manager ng Security Agency si Julius kung saan ang presidente ay ang ina nito. Treasurer naman si Lindsay ng agency.
Gustong ipagpatuloy ng singer ang kanyang pag-aaral, gusto nitong mag-shift from AB to Dentistry habang ang kanyang asawa naman ay magpapatuloy ng pag-aaral ng abogasya.
Hindi pa nasusundan ang kanilang anak na dalawang taon at kalahati na supertalino at bibo pa.
Sakaling hindi siya palarin sa kongreso ay ano na ang balak nito?
"Babalik na ako siguro sa pagiging ordinaryong mamamayan at magpo-prodyus na lang ako ng pelikula," aniya.
Pero may naririnig kaming balita na early next year ay magiging miyembro ito ng gabinete ng administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo. Batay sa feedback mas gusto nilang maging MMDA Chairman si Mayor Rey.
Pinabulaanan ng magandang aktres na aalis na siya sa Twin Hearts at lilipat na sa Dos dahil bilang alaga ng Viva ay gusto ng kompanya na ang lahat ng talent nila ay nasa Dos na.
Tatapusin nito ang Twin Hearts at pagkatapos ay may nakalinya nang soap opera o sitcom para sa kanya. Never niyang iiwan ang Siyete dahil suportado naman siya ng network at masaya si Tanya dahil marami rin siyang mga TV guesting bukod pa sa teleserye.
Nilinaw pa rin nito na ikakasal na sila ng nobyo.
"Matatagalan pa bago ako lumagay sa tahimik although masaya ako sa aking nobyo dahil supportive siya sa aking career at naiintindihan nito ang aking trabaho," aniya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am