Dating boksingero sa US si Juddha Paolo
May 23, 2004 | 12:00am
Naaliw kami kay Robin Padilla dahil siya pa ang nahiya nang malamang inamin ni Tanya Garcia sa mga bumisitang press sa shooting ng Kulimlim na crush siya nito. Parang hindi na sanay ang actor na may nagkakagusto sa kanya. Dagdag pa ni Tanya, ang pagiging may asawat mga anak lang ni Robin ang pumipigil sa kanya para tuluyan siyang magkagusto rito. Perfect daw sanang boyfriend si Robin dahil guwapo nay napaka-gentleman pa.
Ikinuwento ni Tanya na hindi pumapayag si Robin na siya ang bumibili ng kanyang pagkain sa shooting. Na-impress din siya dahil kahit pagbubukas ng pintuan ng kanyang sasakyan, si Robin din ang gumagawa. Ang katuwiran naman ng actor, gawain ng lalake ang bumili ng pagkain lalo na ang ipagbukas ng pintuan ang mga babae pag sasakay o bababa sa kotse.
Nagkasama na sina Tanya at Robin sa Genie, Bakit Ngayon Ka Lang pero, si Judy Ann Santos ang leading lady ng actor at second lead lang si Tanya. Hindi makakalimutan ng dalaga na kahit hindi siya ang biday, alaga pa rin siya ni Robin.
Entry ng Viva Films sa Manila Film Festival ang Kulimlim kaya, minamadali ni director Maryo J. delos Reyes ang shooting. Nagko-cooperate naman sina Tanya at Robin. Ipinagpaliban ng actor ang pagbisita sa kanyang pamilya sa Australia at si Tanya namay binigyan ng priority ang shooting.
"Ill give everything I can offer para maging mas madali ang shooting. So far, nagkaka-intindihan kami ni direk Maryo. Ayaw ko ring mapahiya sa kanya at sa producer ko dahil big break itong ibinigay nila sa akin," pahayag ni Tanya.
Hindi kasama si Jay Manalo sa cast ng Singles na ipina-presscon ni Mother Lily. Hopefully, sa second presscon ay dumating na ang actor para matanong ang mga experience niya sa pangangampanya bilang konsehal sa 2nd district ng Tondo, Manila.
Mapupuri si Jay dahil maluwag sa loob na tinanggap ang kanyang pagkatalo at maganda ang sinabi nitong marami siyang natutunan sa ilang linggo niyang pangangampanya. Para ngang may balak pa si Jay na muling tumakbo sa susunod na eleksyon.
Kaya naman siguro hindi masyadong nagmaktol at prinoblema ni Jay ang kanyang pagkatalo dahil may babalikan pa siyang career. Bukod sa Singles, nasa cast din siya ng Feng Shui ng Star Cinema at sisimulan ang shooting ng Pagkagat ng Dilim ng Angora Films. Si Jeffrey Jeturian ang director nang nasabing pelikula na ang iba pang kasama sa cast ay sina Aleck Bovick at Amy Austria.
Boksingero pala si Juddha Paolo, ang TV commercial model na kasama ngayon sa cast ng Sarah, Teen Princess ni Sarah Geronimo. Light/middle weight sa amateur division ang nilalabanan niya noong nasa States pa siya. Natawa ito nang sabihin naming mabutit hindi naapektuhan ang face niya sa kanyang mga laban.
Hindi lang magugustuhan ng fans ni Manny Pacquiao ang comment at observation ni Juddha sa naging laban ni Manny kay Marquez.
Sabi nito: "Talo siya (si Manny) sa akin. Wala siyang ginawa, mas maraming ginawa si Marquez. Saka, dapat, ang boxer, walang excuse pag natatalo. Ang sa akin, while watching the fight if he wins, fine; pero, di impressive kung siya nga ang nanalo."
Nasa fourth grade palang si Juddhay gusto nang maging boxer at umabot sa puntong na-obsses siya. "Passion ko yun, theres something about it na gustung-gusto ko. Its a mans fight," pahayag pa nito.
Napangiti si Juddha nang banggitin naming tiyak na mas enjoy siya sa Sarah kung boksingero ang kanyang role. Pero, enjoy na rin siya sa pagiging bad boy sa drama series dahil gusto niyang makilalang magaling na kontrabida.
Pinuno ng ABS-CBN ng mga bagets nilang talent ang ASAP Mania. Starting this Sunday, kasama na sa show sina Karel Marquez, Shaina Magdayao at ang Anime group na binubuo nina John Sace, Mico Aytona, Emman Abeleda, Rayver Cruz, Sergio Garcia at Mhyco.
Pagkatapos ng ASAP Mania, susunod ang ASAP Fanatic na sama-samang iho-host nina Heart Evangelista, Jodi Sta. Maria at Luis Manzano. Perfect choice ang tatlo na mag-host ng pinakabagong variety show ng istasyon dahil sina Jodi at Lucky ay host ng Star Circle Teen/Kid Quest at si Heart namay VJ sa MYX.
Magagandang production numbers ang featured sa show ng tatlong bagets at may segment pang magbibigay ng chance sa fans na makapag-interact sa kanilang favorite stars.
Ikinuwento ni Tanya na hindi pumapayag si Robin na siya ang bumibili ng kanyang pagkain sa shooting. Na-impress din siya dahil kahit pagbubukas ng pintuan ng kanyang sasakyan, si Robin din ang gumagawa. Ang katuwiran naman ng actor, gawain ng lalake ang bumili ng pagkain lalo na ang ipagbukas ng pintuan ang mga babae pag sasakay o bababa sa kotse.
Nagkasama na sina Tanya at Robin sa Genie, Bakit Ngayon Ka Lang pero, si Judy Ann Santos ang leading lady ng actor at second lead lang si Tanya. Hindi makakalimutan ng dalaga na kahit hindi siya ang biday, alaga pa rin siya ni Robin.
Entry ng Viva Films sa Manila Film Festival ang Kulimlim kaya, minamadali ni director Maryo J. delos Reyes ang shooting. Nagko-cooperate naman sina Tanya at Robin. Ipinagpaliban ng actor ang pagbisita sa kanyang pamilya sa Australia at si Tanya namay binigyan ng priority ang shooting.
"Ill give everything I can offer para maging mas madali ang shooting. So far, nagkaka-intindihan kami ni direk Maryo. Ayaw ko ring mapahiya sa kanya at sa producer ko dahil big break itong ibinigay nila sa akin," pahayag ni Tanya.
Mapupuri si Jay dahil maluwag sa loob na tinanggap ang kanyang pagkatalo at maganda ang sinabi nitong marami siyang natutunan sa ilang linggo niyang pangangampanya. Para ngang may balak pa si Jay na muling tumakbo sa susunod na eleksyon.
Kaya naman siguro hindi masyadong nagmaktol at prinoblema ni Jay ang kanyang pagkatalo dahil may babalikan pa siyang career. Bukod sa Singles, nasa cast din siya ng Feng Shui ng Star Cinema at sisimulan ang shooting ng Pagkagat ng Dilim ng Angora Films. Si Jeffrey Jeturian ang director nang nasabing pelikula na ang iba pang kasama sa cast ay sina Aleck Bovick at Amy Austria.
Hindi lang magugustuhan ng fans ni Manny Pacquiao ang comment at observation ni Juddha sa naging laban ni Manny kay Marquez.
Sabi nito: "Talo siya (si Manny) sa akin. Wala siyang ginawa, mas maraming ginawa si Marquez. Saka, dapat, ang boxer, walang excuse pag natatalo. Ang sa akin, while watching the fight if he wins, fine; pero, di impressive kung siya nga ang nanalo."
Nasa fourth grade palang si Juddhay gusto nang maging boxer at umabot sa puntong na-obsses siya. "Passion ko yun, theres something about it na gustung-gusto ko. Its a mans fight," pahayag pa nito.
Napangiti si Juddha nang banggitin naming tiyak na mas enjoy siya sa Sarah kung boksingero ang kanyang role. Pero, enjoy na rin siya sa pagiging bad boy sa drama series dahil gusto niyang makilalang magaling na kontrabida.
Pagkatapos ng ASAP Mania, susunod ang ASAP Fanatic na sama-samang iho-host nina Heart Evangelista, Jodi Sta. Maria at Luis Manzano. Perfect choice ang tatlo na mag-host ng pinakabagong variety show ng istasyon dahil sina Jodi at Lucky ay host ng Star Circle Teen/Kid Quest at si Heart namay VJ sa MYX.
Magagandang production numbers ang featured sa show ng tatlong bagets at may segment pang magbibigay ng chance sa fans na makapag-interact sa kanilang favorite stars.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am