Starlet, regalo sa kandidatong gobernador!

Isang nanalong kandidato para sa pagka-board member nung nakaraang halalan ang gumawa ng kakaibang diskarte para lamang maisama siya sa line-up ng mga kandidato ng administrasyon sa kanilang lalawigan. Ginawa nitong pang-regalo ang isang starlet na lingid sa kaalaman nito ay dati na palang karelasyon ng kumakandidatong gobernador sa kanilang probinsiya. Sa halagang P20,000 napapayag nitong tumatakbong board member na naghahangad na maisama siya sa lineup ang nasabing starlet na ang tanging talent ay ang mag-sing and dance.

Bukod pa riyan, walang kaalam-alam ito na ang kanyang ireregalong starlet ay dati na palang karelasyon nitong kanilang magiging kandidato sa pagka-gobernador. Ayon sa aking source, naganap ang muling pagkikita ng starlet at ng tumatakbong gobernador sa isang magarbong hotel sa kanilang lalawigan.

Sa kanilang muling pagkikita, bagama’t magkakilala at tapos na ang kanilang relasyon noon, sa labis na kasabikan sa isa’t isa ay napilitan na rin ang kandidatong gobernador. Bagay na ikinagagalit ng ka-on nito sa kasalukuyan. Balak pa naman sanang magpakasal na nitong si gobernador sa isa pa ring TV host.

Si Starlet ay dating sexy star nung kanyang kapanahunan at nag-iba ng career bilang singer sa isang recording company.

Habang si kandidatong gobernador naman ay masayang-masaya sa kasalukuyan sa kanyang sinapit nung nakaraang halalan. – Boni A. Casiano

Show comments