Hanggang ngayon daw kasi ay hindi pa nagri-rate ang nasabing noontime show kaya nag-iisip na naman ng bagong gimik ang programa.
May nag-suggest daw na si Bayani Agbayani na lang, pero nag-react daw agad ang mga production. Feeling daw ng production, mas effective ang partnership nina Edu, Bayani with Aga Muhlach sa Ok Fine Whatever.
Eh kung si Roderick Paulate na lang kaya ang ibalik nila, tutal naman dadalawa lang yata ang regular show ng komedyante.
Kaya lang sabi ng source, ayaw na nila ng mga datihan, mas gusto raw ng management na mga bagong mukha ang isama sa grupo ni Edu.
Kung ang divorce nga, hindi pa pinapayagan, ang kasalan pa kaya ng parehong kasarian?
Karamihan sa natanggap kong e-mail ay galing sa Amerika. Nagagalit sila dahil bakit daw ako nagbigay ng opinion about the issue. Wala raw akong karapatan dahil tanggap na raw sa kasalukuyan ang ganoon.
May nagsabi pa na Im worst pa kesa sa mga racist from Mississippi. At baka raw hindi ko pa alam na marami nang mga bansang pumayag na maging legal ang pagsasama ng parehong kasarian. Iba na raw kasi ang kahulugan ng moralidad ngayon.
Kakaloka di ba?
Pero karapatan naman natin ang magbigay ng sariling opinion. In the first place, totoong imoral ang ganoong klase ng kasalan sa katulad ng Pilipinas na ang kultura iba sa kultura ng Amerika. Kahit pa anong sabihin nila, iba ang kaugaliang Pinoy na sinusunod ng bawat Pilipino.
Hindi sinasabing walang karapatang makipag-relasyon ang tomboy at magmahal o ang mga bakla for that matter. Ang sinasabi ko lang, hindi na dapat tino-tolerate ng mga TV shows ang mga ganyang palabas dahil hindi maganda ang magiging impact sa mga kabataang pinipilit turuan ng mabuting asal sa mga pinapasukang iskuwelahan.
Sayang naman ang ibinabayad na tuition ng mga magulang ng mga kabataang ito kung paglabas sa iskuwelahan ay makakapanood sila ng mga ganoon!
Siguro matagal nang wala sa bansa natin ang mga avid on line readers ng PSN kaya nag-iba na ang kanilang pananaw tungkol sa totoong ibig sabihin ng moralidad.
Ganoon pa man, nagpapasalamat pa rin ako sa mga comments na pinadala nila thru e-mails.
Literally, umapaw ang hate mails na natanggap ko.
Anyway, may responsibility sa nasabing palabas ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Bakit yung mga naka-sexy outfit kino-call nila ang attention o yung mga title ng show na double meaning pinupuna nila, pero bakit ang ganitong palabas di sila nagri-react?
Ito walang double meaning or something, harap-harapan. Para yatang natutulog sila ngayon sa pansitan.
Pero kung may negative feedback naman, may positive comment din naman from Maria Cortez (mcortez@lchb.com): "Comment ko lang sa article na naisulat mo yesterday about Elaine Crisostomo. Sinungaling talaga siya. Yung sinasabi niyang bayad para lang sa divorce ng kasal nila ni Desiree eh walang katotohanan. Kapag me $1,000 ka eh ayos na lahat, kung walang problema eh within a year eh annul na ang kasal nila. Sino ba naman ang gagastos ng ganoong kalaking halaga just for annulment? Mag-isip nga muna siya at sabihin lang niya ang katotohanan para hindi siya lumabas na katawa-tawa. Agree din ako na hindi na dapat binigyan ng importansiya at ipinakita sa madla ang nangyaring kasalan, I agree with you na hindi magandang impluwensiya sa mga kabataan lalo na sa mga musmos ang video na ipinakita ng The Buzz. Dapat eh hindi na pati bigyan ng kaukulang pansin si Elaine, sino ba naman ito, hindi naman ito nakakatulong sa pagsulong ng bansa natin, nakakasira lang siya ng magandang reputasyon ng ibang tao."
Mas active ngayon si Joyce sa kanyang mga negosyo kesa sa paga-artista.