Ano kaya ang kalalabasan ng one-on-one interview ni Junie Lee kay Mahal at magpatalbog naman kaya si Jeffrey Quizon kay Junie Lee?
Samantala, may pagkakataon naman si Pops na ma-solo ang all-male sing-and-dance group na Masculados ganoon din ang Mossimo winners na sina Brent Javier at Richard Turner.
Nakakatuwang isipin na kahit ano pa ang sabihin ng iba na walang K as in karapatan ang mga taga-showbiz na pumasok ng pulitika, marami pa ring porsiyento ng mga taga-showbiz ang pinapaboran ng mga botante.
Na-disqualify man si Eddie Gil sa kanyang pangarap na maging isang presidente ng bansa, nakatagpo naman siya ng panibagong career, ang pagiging isang artista. Mukhang ang ABS-CBN ang naka-tap sa hidden talent ni Eddie Gil, ang pagiging isang komedyante nang hindi niya sinasadya. Hindi man umarte si Eddie Gil ay nakakatawa na siya. Hindi man namin siya napanood sa kanyang guesting sa MTB, napanood naman namin ang kanyang guesting sa Ang Tanging Ina: The Series kung saan papel ng isang mayamang manliligaw ni Aiai delas Alas ang kanyang ginampanan.
Bukod kay FPJ na isang artista, ito ang naging edge ni Eddie Gil sa ibang kumakandidato sa pagka-pangulo dahil nakahanap siya ng alternatibong pagkakakitaan, ang pagiging isang natural comedian.
Since sa Amerika (Los Angeles, California) isinilang ni Ruffa si Lorin, wala pang balita kay Ruffa kung sa Istanbul na siya magsisilang ng kanyang second baby.
Ngayong magdadalawa na ang anak na babae nina Ruffa at Yilmaz, gusto naman daw ni Yilmaz na maging boy na ang susunod nilang maging baby.
Ang mag-asawang Ruffa at Yilmaz ay nag-celebrate ng kanilang unang wedding anniversary nung nakaraang Marso 25. Sa kabila ng kanilang magkaibang kultura, magkasundung-magkasundo ang dalawa although hindi pa rin naman nawawala sa kanila ang magkatampuhan paminsan-minsan na natural namang nangyayari sa isang mag-asawa. "Pero pareho kaming nag-mature ni Yilmaz nang lumabas si Lorin unlike before na konting kebot lang ay madalas kaming mag-away," ani Ruffa na nagi-enjoy sa kanyang buhay may asawa ngayon.