Elaine Crisostomo,gustong mag-sitcom

Noong Miyerkules ay pumirma na ng kontrata si Jolo Revilla sa ABS-CBN. Eksaktong alas-dose ng tanghali, dumating si Jolo sa 14th floor ng Restaurant 9501 para sa nasabing contract-signing. Kasama ni Jolo na dumating ang mommy niyang si Lani Mercado at kaibigang Gorgy Rula.

Kapansin-pansin ang excitement kay Jolo na magiging isa na siyang Kapamilya. Aniya, happy siya ngayong isa na siyang ABS-CBN star.

Lalo pang nagpasaya kay Jolo ng tanghaling yon ang pagdating ni Shaina Magdayao. Pinawisan si Jolo nang makita si Shaina. Matagal na rin palang hindi nagkikita ang dalawa. Pero constantly daw ay nagti-text sila.

Inamin ni Jolo na he prayed na dumating ang panahon na magkasama sila ni Shaina. At nangyari na nga.

Present sa nasabing contract signing ang mga ABS-CBN bosses na sina Malou Santos, Cory Vidanes, Mariole Alberto, Pat P Planas at Cathy Ochoa-Perez.

Habang pumipirma ng kontrata, nakapagbiro si Tita Malou, "parang si Bong ang katabi ko."

Immediately after the contract-signing, dumiretso sina Jolo at Shaina sa taping ng Seasons of Love, ang bagong weekend love program ng ABS-CBN. Mapapanood ang nasabing episode sa June 6.

Matutuwa ang mga tagahanga nina Shaina at Jolo dahil finally ay official na ang kanilang loveteam. Expect natin na makita ang dalawa sa iba’t ibang program ng ABS-CBN.
* * *
Nakausap ko si Sana’y Wala Nang Wakas director Jerome Pobocan. Inamin niya na malungkot siya dahil malapit nang matapos ang serye. Nakatakda itong magtapos next month. But Direk Jerome has no regrets dahil nagbunga ng maganda ang nasimulan nilang serye.

"What makes me happy is the fact that Sana’y... will end na mataas ang rating," says Direk Jerome. "Plus the friendship I’ve established with my stars like Kristine (Hermosa), Jericho (Rosales), Diether Ocampo and Angelika (dela Cruz). Nagpapasalamat ako sa kanila for trusting me."

Direk Jerome has nothing but good words sa kanyang mga artista lalo na kay Kristine. "She is misunderstood by a lot of people. Para sa akin, what you see is what you get in her. At nakita ko ang potensyal niya na still untapped. Marami pa siyang ilalabas as an actress," sabi ng bagitong direktor.

Para sa kaalaman ng marami, Direk Jerome rose from the ranks. Nagsimula siya bilang production assistant, production designer, assistant director at ngayon nga ay full-fledged TV direktor na. Malaki ang impluwensya kay Direk Jerome ng mga direktor na sina Pegue Gallaga at Jose Javier Reyes.

Sa pagtatapos ng Sana’y Wala Nang Wakas, inihahanda na ng ABS-CBN ang bagong directorial assignment ni Direk Jerome. Siya, along with Jerry Sineneng ang magdidirek ng isang bagong teleserye ng ABS-CBN.
* * *
Halos isumpa ng The Buzz staff ang tomboy na si Elaine Crisostomo. Ang siste, tumawag si Elaine sa The Buzz para sabihing exclusive niyang ipapa-cover ang pagpapakasal nito sa bago nitong dyowa. Meaning, tanging sa The Buzz mapapanood ang nasabing wedding rites. Laking gulat ng The Buzz staff dahil pagdating nila sa bahay ni Elaine sa Las Piñas ay naroroon na rin ang staff and crew ng S-Files.

"It was made clear to us na exclusive yung coverage pero pagdating namin doon, naka-set up na ang S-Files, galit na sabi ni The Buzz segment producer Ace Hernandez. ‘Ibig sabihin, ina-allow din niya ang S-Files na i-cover ang wedding niya. Isusumpa mo talaga yang tomboy na yan! Walang isang salita! Sirang-sira siya sa amin!"

Did I hear it right na nagpapadala rin ng feelers itong si Elaine sa ABS-CBN na willing siyang mag-guest sa mga sitcoms ng network? Ngayon naman, gustong maging artista ni Elaine.

Hindi ko na alam kung ano talaga ang real agenda ni Elaine. Ano ba talaga, Elaine?

Show comments