Kahit sina Robin at Juday ay walang choice kundi pagbigyan ang clamor ng fans.
"Kinausap sila (Juday at Robin) ng management informing them na kailangang i-extend ang show," sabi ni BKK supervising producer Julie Ann Benitez. "Kung sina Robin at Juday lang ang masusunod, gusto na nilang tapusin na. Kaya lang, kinausap sila at siguro inisip din nila ang mga fans ng BKK kaya they were convinced."
Since extended nga ang Bastat Kasama Kita hanggang September, mangangahulugan ito na marami pang exciting na kwento yung mga stories na gusto namin.
"Nagkaroon pa kami ng chance na makagawa nung mga stories na gusto namin. Marami pa kasi kaming stories na gustong i-explore. Marami pa talaga. Matutuwa ang fans sa mga stories na naka-line up sa future episodes," sabi pa ni Julie Ann.
For this week, kwento ng Pigatos ang tumatakbo sa BKK. Ang Pigatos ay grupo ng modern day warriors na against sa politics. Pinangungunahan ito ni Jhong Hilario at apat pang myembro.
"All original ang Pigatos," kwento ni Julie Ann. "Si Direk Jerry (Sineneng) ang nakaisip ng term na Pigatos. Even yung mga action scenes ng Pigatos, konsepto din ni Direk Jerry."
Pero tulad ng ilan, hindi na-handle ni Navarette ang kanyang tagumpay. Naubos ang kanyang naipon sa bisyo. At hanggang sa tuluyan na siyang mabaon. Doon na rin nagsimula ang miserable niyang buhay. Wala na ang taong dating tumitingala sa kanya. Ngayon, nagdarahop ang kanyang buhay.
Isang pagkakataon sa buhay ni Navarette ang nagpasaya sa kanya nang makilala niya nang personal si Manny Pacquiao. Minsan itong na-feature sa Simpleng Hiling ni Karen Davila.
Ito ang dahilan kung bakit nagkainteres ang Maalaala Mo Kaya na isadula ang buhay ni Rolando Navarette na ipalalabas ngayong gabi. Para magsilbing aral at inspirasyon na rin sa mga taong umaani ng tagumpay.
Si Marvin Agustin ang napiling gumanap bilang Navarette. Kasama rin sa cast sina Elizabeth Oropesa, Maricar de Mesa, Cherry Lou, Crispin Pineda at Gerard Pizarras. Si Joyce Bernal ang nagdirek ng episode.
Aaminin ko, ako man ay kinikilig kapag tinutukso sina Bernadette at Aljo. Bagay sila. Nakakatuwa si Bernadette dahil hindi ito pikon although madalas na nagba-blush ito kapag tinutukso kay Aljo.
Si Aljo naman, hindi pwedeng tawaran ang kagwapuhan. Siya na yata ang masasabing pinakagwapong news reporter ngayon sa telebisyon. At kung ganda rin lang, panalo si Bernadette.
Ako, I would love to see both Aljo and Bernadette in one show together. Sana nga ay i-consider yun ng ABS-CBN News & Current Affairs management.
At kapag natuloy yon, makaka-create na naman sila ng isang Julius Babao-Tintin Bersola loveteam sa isang morning show.
Bakit hindi, di ba?