"Nakakahiya naman sa kanya (Tony Boy) at sa asawa niya. Di bale sana kung hindi sila mag-asawa pero, ang lumalabas mang-aagaw ako ng asawa ng may asawa. Hindi ako papatol sa isang may asawa dahil ayaw kong may gumawa rin ng ganito sa mom ko, yung agawin sa kanya ang dad ko.
"It is true that I went to Malaysia pero, hindi totoo na si Mr. Floirendo ang kasama ko kundi ang dad ko. Hindi naman magkamukha ang dalawa kaya I dont know kung bakit nasabi nilang magkasama kami ni Mr. Floirendo dun. I didnt even know na nandun din siya kung totoo nga na nandun siya. Pumunta ako run para mag-audition dahil may mga malalaking fashion shows na gagawin dun. I will be back there next month dahil natanggap ako.
"Matagal na kaming magkakilala ni Tony Boy. I had a concert in his province. He got me for his campaign. And I was always with my mom na nahihiya sa pamilya ng mga Floirendo because tinanggap nila kami ng mahusay tapos ganun pa ang mangyayari," pagtatanggol ni Belinda.
Kung may pagbabago kayong nakikita kay Belinda ngayon, ito ay gawa ng makabagong syensya ng medisina.
"Nagpadagdag ako ng konting chin at saka ipinaayos ko ang ilong ko. Hindi kay Dr. Belo o kay Dr. Calayan but a certain Dr. Nicdao, I forgot his first name hindi dahil gusto kong gumanda kundi gusto ko lang ma-improve ang face ko," pagtatapat ng artista who was last seen in Kapitbahay and who is now being managed by her mom.
"My producer Ms. Jojo Galang used to help me pero marami na siyang ginagawa kaya ayaw ko na siyang abalahin pa," pagtatapos niya.
Sa kanilang ikalawang season, makakaasa ang mga manonood ng mas nakakatuwa at shocking revelations at desperate moves para mapasaya ng dalawa ang Lunes ng gabi ng mga televiewers, alas nueve,
Sa kabila ng kawalan ng budget nakakarating sa ibat ibang lugar sa Pilipinas ang dalawa upang ipakita ang kayamanan ng ating bansa. Hindi rin nagmimintis ang dalawa sa pagpapauso ng kung anu-ano tulad ng duck dance, bogus shades, retro outfits. At naniniwala ang dalawa na wala nang mas fit na gumawa nito kundi silang dalawa lamang na nangunguna pagdating sa ganitong uri ng palabas.
Malayo na ang narating ng dalawa na nung una ay binibisita lamang sa booth ng On Air pero ngayon ay sila na ang binibisita sa set ng kanilang mabilis na sumisikat na programa.
Sa mga hindi nakakaalam, isang events organizer si Maverick, isang ring certified fashion trailblazer na mahilig mangulekta ng mga toy cars.
Mahilig naman sa tsokolate at saranggola si Ariel na nung nagaaral pa ay nagsususot ng puro yellow, pink, green o violet suits. Kumukuha siya ng inspirasyon kay Joey de Leon na aniya ay malayo niyang kamaganak.
Ang palabas ay nagtatamapok sa mga StarStruck idols, ang StarStruck Final 4 at StarStruck Avengers na magpapakitang gilas sa pagganap sa ibat ibang roles.
Bukas, Mayao 21, Biyernes, ang huling episode ng Stage 1: Live Finale Party na magtatampok sa mga kaibigan at well-wishers ng StarStruck Idols sa panibagong yugto ng kanilang careers.