Lalo pa ngayon na na-grant na ng korte ang decision sa annulment case nila ni Janice de Belen.
Tiyak na hindi magugustuhan ni John ang bagong intrigang ito sa kanya. Lalo pa ngayon na feeling niya ay smooth-sailing na ang kanyang personal life at career.
Finally nga ay na-launch na ang debut album ni Erik, ang "This Is The Moment" under Star Records. Bale 5 months ang naging preparations para mabuo ang album.
Sa 10-track album, carrier single ang "Pagbigyan Muli" na sinulat ni award-winning songwriter na si Jonathan Manalo. Out na rin ang music video nito na dinirek ni Connie Macatuno.
Ilan pang cuts sa album ay ang version ni Erik ng "It Might Be You," "You," "Ikaw Ang Lahat Sa Akin," "Narito" at "Bakit Ba?"
For the months of May and June, narito ang sked ng mall shows ni Erik. May 23 Robinsons-Lipa, Batangas; May 30, Robinsons Cainta; June 13, Robinsons Galeria; June 20, SM Bicutan; June 27, Robinsons Manila.
Nakita ni Erik ang suporta ng mga taong una niyang nakatrabaho-staff ng Star In A Million at ASAP Mania. In full force din ang Star Records (Jamie Hipe, Nixon Sy, Joji Mangabat, Cynthia Roque, etc.) Siyempre ang mga taga-Backroom, Inc. headed by Boy Abunda.
"Yung bata, okey pa, e. Pero yung nanay, nuknukan ng daldal at intrigera," sabi ng kausap kong resigned driver. "Mahilig gumawa ng isyu. Mahilig pang magparating ng salita. "Yung mga nangyayaring behind-the-scene sa show ng anak niya, siya ang nagpapasulat non kasi galit siya sa ilang stars na kasama ng anak niya."
Kontrobersyal ang ina ng komedyante. Marami nang nagrireklamo sa pag-uugali nito. Ilang artista na rin ang ginawan nito ng isyu. Kaya nga mismong mga staff ng isang noontime show ang nagpa-ban sa nanay ng komedyante sa studio.
Sa interbyu ng komedyante, ipinagtanggol nito ang kanyang ina. Misinterpreted lang daw ang kanyang ina. Pero ang nakakaloka, may mga taong kinakausap ang komedyante at sinasabing suko na siya sa ginagawa ng kanyang ina.
Sa totoo lang, ako mismo, turned off na sa mag-inang ito. Nakumpirma ko sa sarili na may di magandang attitude lalo na ang ina ng komedyante.
Maraming sikat na artista who owe their careers to Tita Cory. Isa siya sa pinakamabait na bosses sa ABS-CBN dahil malapit ang puso niya sa malaki o maliit na artista man.
Kaya sa yo, Tita Cory, maligayang bati. Sana ay patuloy kang maging inspirasyon sa mga taong nakakatrabaho mo at mga nagmamahal sa yo.
On a personal note, maraming salamat sa pagmamahal at ibinigay mong tiwala sa akin, Tita Cory. God bless your good heart at mabuhay ka!