Dalawang Linggo na lang daw mapapanood si Ate Koring sa Morning Girls at pagkatapos ay solo na ni Tetay ang show at kung hindi babaguhin ang plano ay magkakaroon daw siya ng bagets na co-host (kailangan pa ba?).
Di kaya ibalik ang dating Today with Kris? Anyway, malaking relief naman daw ito on the part of Korina dahil finally, hindi na sila magkasama sa iisang show ni Tetay na alam naman daw ng lahat na nagpla-plastikan lang sila sa harap ng kamera.
Magkaiba ang statement ng dalawang programa, mahirap paniwalaan pero isang taga Xymaca Bar along Timog Avenue, QC ang nakakitang magkasama sina John at Heart na magka-holding hands at iba raw ang tinginan ng dalawa.
Ka-join din daw sa Xymaca Bar sina Carlo Aquino, Ketchup at iba pang bagets na kunwariy sila ang ka-tsika ni Heart.
Naguluhan naman kami dahil last Friday lang, sa taping ng Tanging Ina The TV ay dumalaw naman ang non-showbiz boyfriend ni Heart named Ian.
Rule daw na all high ranking officers ng network ay hindi na maaring maging host ng sariling programa, kasama kaya si Ms. Charo Santos-Concio ng Maalaala Mo Kaya?
Isa si Ms. Luchi Valdes sa tinanggal bilang host ng Special Assignment, kayat si Julius Babao ang ipapalit kay Luchi, sabagay, wala namang posisyon si Julius sa istasyon.
Reggee Bonoan