Isang engineering student si William sa Hongkong kung saan din siya ipinanganak. Sa first week palang ng release ng kanyang "William Hung Inspiration" album ay nakabenta na agad ito ng 200,000 copies.
"I may not be the best singer in the world but I sing from the heart. And I sing with passion. I enjoy what I do not for the money or fame. I Just enjoy singing," sabi ni William bago niya kinanta ang "I Believe I Can Fly" sa kanyang album. Ang ibang kanta na personal na pinilit ni William ay "She Bangs," "Bailamos," "Hotel California," "Can You Feel The Love Tonight," "Rocket Man," "Free," "Circle of Life," "YMCA" at "Shake Your Bon-Bon." Bawat kanta ay talagang pinaghirapan at ilang beses inulit na kantahin ni William para lalong mapaganda ang resulta.
Kinalakihan ni Enrique ang mga music nina Frank Sinatra, Nat King sa impluwensya ng kanyang lolo. Pero hilig din nito ang ballads, pop & R&B songs.
Si Fredric Herrera, singer/songwriter ang naka-discover kay Enrique. At dinala niya ito sa Candid Records.
Ngayon ay pumirma na ng kontrata si Enrique sa Candid Records Phils. at malapit nang i-release ang album nito. Mala-Engelbert Humperdick, Michael Buble at Josh Groban daw ang boses ng bagong singer.