Kahit may mga bulungan na may bagong boyfriend si Lotlot ay hindi naniniwala si Monching sa tsismis. Kilala niya raw ang kanyang asawa at naniniwalang hindi siya ipagpapalit nito kahit kaninuman. Palilipasin muna nito ang sama ng loob sa kanya ni Lotlot at umaasang magkakabalikan pa sila alang-alang sa kanilang anak ayon pa sa aktor.
Matapos ang pag-aaral ay nagtrabaho ito sa Channel 13 bilang segment producer ng public affairs shows. Pero talagang malakas ang kaway ng showbiz kay Jayson kaya pinasyang lumabas muli sa pelikula at telebisyon. Habang naghihintay ng tamang project ay sa treatro muna siya para lalo pang mahasa sa akting.
Galing ang aktor ng Thats Entertainment at nakalabas na rin sa ilang pelikula gaya ng Kuratong Baleleng, Bilibid Boys, Birthday Gift at Gregorio del Pilar Story. Mas type nitong lumabas sa drama o komedi.
Naniniwala si Jayson na mabigyan lang ng tamang break ay maipamamalas niya ang galing sa pag-arte. Under negotiation ang isang sitcom o soap opera na lalabasan niya kasama ang mga sikat na artista.
Nagpaliwanag na ang seksing aktres tungkol sa pagdi-deny ni Bok sa panliligaw nito sa kanya.
"Nahihiya kasi si Bok na amining nanliligaw siya sa akin dahil ipinangako niya kay Mommy na magkaibigan lang kami. Wala naman siyang sariling disposisyon kaya minabuting mag-deny na lang. Sa totoo lang, na-realize niya namang hindi maganda para sa isang lalaki ang i-deny ang panliligaw sa isang babae," paliwanag ni Angie.
Sey ng actor: "Bawal kasi sa aming relihiyon ang makipag-relasyon sa bakla dahil baka tanggalin nila ako. Kaya mabuti pang tumahimik na lang ako at ayaw ko nang pag-usapan pa ito. Tutal tapos na naman ang aming relasyon. Naka-live in ko rin si Direk," aniya.
Matagal-tagal na rin sa showbiz ang aktor na lumalabas din minsan bilang kontrabida. Magaling itong umarte at kahit saan ilagay ay kaya niyang gampanan ang role.