Bagong image sina Kaye at Dess

Itinampok kahapon sa ASAP Mania ang mga May birthday girls ng ABS-CBN Talent Center na sina Kaye Abad and Desiree del Valle. Natunghayan ang dalawang young stars sa isang sexy number na talaga namang kakaiba sa dati nilang mga sweet image. Parehong 22 years old na sina Dess at Kaye ngayong taon na ito at game na sila sa mature roles. Ang mainit na dance number ay sa awitin ng Blu Cantrell na "Shout" at ito at choreographed ng Streetboys.

Isa pang dance number na inabangan ay ang mga batang magaganda at matatangkad ng Talent Center. Sama-sama sina Bea Alonzo, Angelene Aguilar, Pia Romero, Sarita Perez de Tagle, Carla Humphries at Shaina Magdayao sa dance number na halong trance at Egyptian-inspired sa "Baby Doll" ni Nerd at inihanda ng Hotlegs.

Show comments