Patrick Garcia, ayaw mag-expose ng butt
May 17, 2004 | 12:00am
Di pa rin nagbabago ang stand ni Patrick Garcia tungkol sa pag-ayaw nito sa butt exposure sa isang pelikulang gagampanan niya ay bading. Ito lang ang pinakadahilan kung bakit hindi nagkasundo ang aktor at movie producer para gawin ang pelikulang Erlinda Marikit.
Ayon kay Patrick, walang problema sa kanya ang magpapel bakla sa pelikula o sa telebisyon dahil itinuturing niya itong trabaho. Katunayan, nakipaghalikan na siya sa kapwa lalaki sa Tabing Ilog na hindi naman nakaapekto sa kanyang pagkalalaki at kanyang showbiz career. "Okey lang sa akin ang ganoong role. I find it challenging. But to show my butt on screen, iyon ang isang bagay na hindi ko magagawa."
Matagal nang nababalita ang project na ito at ang pinaka-huling inalok sa papel na bakla ay si Onemig Bondoc na gusto ring gawin ng aktor kaya lang ayaw umano ng Talent Center. Siguradong payag si Onemig na magkaroon ng butt exposure dahil tiyak hindi niya ikakahiya ang kanyang butt dahil matipuno ang kanyang pangangatawan. "Makinis at maputi ang butt ko at wala akong peklat," depensa ni Patrick at nagbiro pa itong handa niyang ipakita sa mga manunulat na kumakapanayam sa kanya.
Ayon pa rin sa aktor, iniisip nito ang mga bagets na fans niya. Kung nasa shooting siya, sa taping o namamasyal sa mall, nilalapitan siya ng mga bagets. Ayaw nitong ma-turn-off sa kanya ang fans kung mag-expose siya ng butt at hanggang maari, gusto nitong manatiling wholesome ang kanyang imahe.
Sa isang pakikipag-meeting nito sa mga taong involved sa movie ay nagmungkahi siya na kumuha na lang ng magdu-doble sa kanya sa eksenang magpapakita ng butt dahil ginagawa rin daw ito sa Hollywood ng mga sikat na artista doon. Umayaw ang kabilang kampo at ipinagdiinan nilang siya lang ang dapat gagawa noon at walang kadoblehang kukunin.
Natapos ang naturang pag-uusap na walang napagkayarian at kahit gustung-gusto ng aktor ang project ay nauwi na lang sa panghihinayang. "When I read the script, nagustuhan ko talaga ang story and my role. Talagang challenging but I cant do the movie due to that butt thing."
Hindi pa naman nawawalan ng pag-asa ang aktor na makakapag-isip ang movie producer at ialok uli sa kanya ang project. Tatanggapin pa rin daw ng aktor ang project dahil na-in love siya rito pero firm pa rin ang decision niyang walang gagawing butt exposure on his part. Aprubado siyang mananatili ang controversial na eksena pero iba ang gagawa noon para sa kanya. Alex Datu

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended