Bold star, wala nang pang-renta ng apartment
May 17, 2004 | 12:00am
Lumitaw ang isang katotohanan nitong nakaraang eleksyon na hindi talaga masasabing isang advantage ng isang artista ang pagpasok sa pulitika. Bagamat totoo na may mga artistang kandidato na nanalo at maganda ang standings, makikita naman ninyo na sila yong mga nakapanungkulan na sa bayan noon pa man, kumbaga may batayan na ang mga taong bumoto sa kanila.
Minsan, nangyayaring ang mga artista ay may nakakatapat na mga seasoned politicians, kagaya nga ni Mayor Joey Marquez, tinalo siya ng kalaban. Pero maganda ang ginawa ni Mayor Joey na noong gabi mismo ng eleksyon ay nag-concede na siya sa kanyang kalabang si Congressman Roilo Golez nang makita niyang panalo na talaga iyon.
Sinasabi nila na sa survey, malakas din naman si Alma Moreno, na ang ginamit na pangalan ay Vanessa Marquez, kahit na annulled na ang kasal nila ni Mayor Joey, pero natalo rin naman siya sa eleksyon.
Malakas na simula si FPJ, pero tinalo siya ng mahusay na makinarya ni GMA, at saka nahati pa nga ang boto ng oposisyon.
Sa Kalookan, tinalo rin bilang mayor si Gigi Malonzo, na isa ring dating artista at asawa pa ng incumbent mayor na si Rey Malonzo.
Iyon din namang dami ng botong nakuha nina Lito Lapid at Boots Anson Roa bilang mga senador ay isangkatunayan na hindi nga naging advantage ang popularidad nila sa masa.
Kaya makikita sa resulta ng nakaraang eleksyon na ang pagiging isang artista, bagamat may advantage din naman dahil sa name recall, ay hindi isang katiyakan na siya ay mananalo nga sa eleksyon.
Malaki na ang tiyan ni Sharon, pero mukhang lalo nga iyong pinalaki sa kanyang ginawang commercial kung saan ipinakita pang hinahagod niya ng himas ang kanyang tiyan habang siya ay nasa isang restaurant.
Magandang move iyan para kay Sharon.
Habang nakabakasyon siya dahil sa kanyang pagbubuntis, hindi pa rin siya masasabing out of circulation, kasi nga visible pa rin naman siya sa publiko dahil sa mga commercials na ginawa niya.Ganyan din naman ang kanyang ginawa noong mawala siya nang isang taong mahigit para samahan ang kanyang asawang nag-aral sa abroad. Kailangan talaga ganyan eh, pina-plano mo ang lahat kung magbabakasyon ka man.
Kawawa ang sitwasyon ng isang female bold star. Malaki na ang problema niya dahil ilang buwan na rin siyang hindi nakakabayad sa kanyang tinitirahang apartment. Wala na siyang bagong pelikula ngayon, at iyon namang balasubas na producer na gumawa ng huling pelikula niya, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya binabayaran. Tumatanggap na nga siya ng mga shows kahit na mga big night lang sa mga clubs para maka-survive.
Nakakalungkot na sitwasyon iyan pero ganoon talaga ang buhay. Dapat pinaghahandaan na ang ganyang panahon.
Minsan, nangyayaring ang mga artista ay may nakakatapat na mga seasoned politicians, kagaya nga ni Mayor Joey Marquez, tinalo siya ng kalaban. Pero maganda ang ginawa ni Mayor Joey na noong gabi mismo ng eleksyon ay nag-concede na siya sa kanyang kalabang si Congressman Roilo Golez nang makita niyang panalo na talaga iyon.
Sinasabi nila na sa survey, malakas din naman si Alma Moreno, na ang ginamit na pangalan ay Vanessa Marquez, kahit na annulled na ang kasal nila ni Mayor Joey, pero natalo rin naman siya sa eleksyon.
Malakas na simula si FPJ, pero tinalo siya ng mahusay na makinarya ni GMA, at saka nahati pa nga ang boto ng oposisyon.
Sa Kalookan, tinalo rin bilang mayor si Gigi Malonzo, na isa ring dating artista at asawa pa ng incumbent mayor na si Rey Malonzo.
Iyon din namang dami ng botong nakuha nina Lito Lapid at Boots Anson Roa bilang mga senador ay isangkatunayan na hindi nga naging advantage ang popularidad nila sa masa.
Kaya makikita sa resulta ng nakaraang eleksyon na ang pagiging isang artista, bagamat may advantage din naman dahil sa name recall, ay hindi isang katiyakan na siya ay mananalo nga sa eleksyon.
Magandang move iyan para kay Sharon.
Habang nakabakasyon siya dahil sa kanyang pagbubuntis, hindi pa rin siya masasabing out of circulation, kasi nga visible pa rin naman siya sa publiko dahil sa mga commercials na ginawa niya.Ganyan din naman ang kanyang ginawa noong mawala siya nang isang taong mahigit para samahan ang kanyang asawang nag-aral sa abroad. Kailangan talaga ganyan eh, pina-plano mo ang lahat kung magbabakasyon ka man.
Nakakalungkot na sitwasyon iyan pero ganoon talaga ang buhay. Dapat pinaghahandaan na ang ganyang panahon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended