"No! Hindi po totoo iyon. I dont own a resort here. Paninira lang iyan ng mga kalaban ko sa pulitika." Ang natatawang pahayag ni Mayor Vi.
Idinagdag pa ng actress-turned-mayor na kahit na kaya niyang bumili ng properties sa kanyang sariling pera ay hindi niya ginagawa dahil ayaw niyang mabahiran ng pulitika ang kanyang pagbili ng ari-arian. Ayaw rin umano niyang gamitin ang kanyang kapangyarihan bilang alkalde ng lungsod upang makakuha lamang ng mga property.
Bukas din si Mayor Vi sa imbestigasyon sa umanoy kanyang resort na tinawag na Baluarte Sur Leisure Farms and Resort na nakatirik sa Mt. Malarayat sa Barangay Talisay upang malaman kung sino talaga ang tunay na may-ari nito.
"Open ako para sa isang imbestigasyon para malaman nilang hindi ako ang may-ari ng resort."
Maging ang Provincial Environment and Natural Resources Office (PENCOR) na umanoy nagpatigil sa konstruksyon ng naturang resort ay hinikayat din ni Mayor Vi na magsagawa ng imbestigasyon.
Ang Baluarte Sur ay ipinatigil umano ng PENRO matapos madiskubreng wala itong kaukulang papeles para sa konstruksyon at maging dahilan ng pagkatuyo ng Talisay River na siyang nagsu-supply ng tubig sa buong barangay ng Talisay. Tonton Villamor