Ito ang pagbubuking sa amin ng taga-GMA 7 na disappointed daw ang management sa grupo ng StarStruck dahil hindi na raw ito nakaabante ng ratings ever sa katapat nitong Mangarap ka ni Piolo Pascual.
At hindi rin nagustuhan ang concept ng programa kaya bago raw tuluyan malaos ang first batch ng StarStruck ay palitan na lang daw ito ng drama.
Sa ganang amin ay ever exposed na kasi ang grupo, lalo na ang Final Four, nakakasawa na silang panoorin sa telebisyon, buti sana kung may mga talent, si Yasmien Kurdi lang naman ang marunong umartet kumanta, the rest walang alam kundi magpa-cute.
Four Hundred Thousand Pesos lang ang talent fee ni Rainier kumpara sa offer ng Close Up Toothpaste na P1.5M at kapipirma lang daw niya nung tawagan siya ng Close-up.
Malaki ang difference sa halagang natanggap niya na sa Hapee, mahigit isang milyon, di sana malaking tulong din ito sa pangangailangan ng tinaguriang "killer smile" ng showbiz. Reggee Bonoan