^

PSN Showbiz

Hanggang May 21 na lang ang Stage 1: The StarStruck Playhouse

-
Bagsak ang rating at mahina ang pasok ng advertisers, ito ang tunay na dahilan kung bakit hanggang Biyernes May 21 na lang ang Stage One: The StarStruck Playhouse.

Ito ang pagbubuking sa amin ng taga-GMA 7 na disappointed daw ang management sa grupo ng StarStruck dahil hindi na raw ito nakaabante ng ratings ever sa katapat nitong Mangarap ka ni Piolo Pascual.

At hindi rin nagustuhan ang concept ng programa kaya bago raw tuluyan malaos ang first batch ng StarStruck ay palitan na lang daw ito ng drama.

Sa ganang amin ay ever exposed na kasi ang grupo, lalo na ang Final Four, nakakasawa na silang panoorin sa telebisyon, buti sana kung may mga talent, si Yasmien Kurdi lang naman ang marunong umarte’t kumanta, the rest walang alam kundi magpa-cute.
* * *
And speaking of Final Four ay sising-sisi naman si Rainer Castillo dahil kaagad niyang tinggap ang offer ng Hapee Toothpaste dahil si Master Showman, Mr. German Moreno raw ang nakipag negotiate sa Lamoiyan Industries na siyang gumagawa ng naturang toothpaste.

Four Hundred Thousand Pesos lang ang talent fee ni Rainier kumpara sa offer ng Close Up Toothpaste na P1.5M at kapipirma lang daw niya nu’ng tawagan siya ng Close-up.

Malaki ang difference sa halagang natanggap niya na sa Hapee, mahigit isang milyon, di sana malaking tulong din ito sa pangangailangan ng tinaguriang "killer smile" ng showbiz. — Reggee Bonoan

vuukle comment

BIYERNES MAY

CLOSE UP TOOTHPASTE

FINAL FOUR

FOUR HUNDRED THOUSAND PESOS

HAPEE TOOTHPASTE

LAMOIYAN INDUSTRIES

MASTER SHOWMAN

MR. GERMAN MORENO

PIOLO PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with