Rainier,inihahanda na ang album ng Universal Records

Kahit very excited si Rainier Castillo nang dumating sa Universal Records office, halatang medyo kinakabahan din siya.

"Totoo ba ‘to," agad niyang tanong sa mga kaharap. Talagang ang expression ng maamong mukha ng StarStruck Final 4 ay tila nananaginip lang.

Ang kwento pa ni Rainier noong unang sinabi sa kanya ng kanyang manager/discoverer na si Tom Adrales na inaalok siya ng isang recording contract ng Universal Records, nangiti lang siya. Ibang klaseng ngiti na may halong pagtataka.

Noon pa man, nag-isip na ng malalim si Rainier. Tinanong niya ang kanyang sarili kung kakayanin niya ang pagre-recording. Pagtatapat pa niya, simula nga noong banggitin sa kanya ito ni Tom, madalas na siyang kumanta-kanta ng nag-iisa. Ang pagsasanay niya ng pag-awit, hindi lamang sa banyo kapag naliligo, kundi sa lahat ng parte ng kanilang bahay.

Finally nga, dumating na ang araw ng pagpirma niya ng recording contract with Universal Records. Hanggang doon, hindi pa rin siya makapaniwalang nangyayari sa kanya ito.

"Hindi kasi sumagi man lang sa isip niya na balang araw ay tatanghalin siyang isang recording star. Kahit sabihin pang pangarap niya ang maging sikat na artista, talagang wala sa kanyang mga immediate plans ang maging recording artist.

Ngayon dumating sa kanya ang isa pang magandang break, masayang-masaya si Rainier at malaki ang kanyang pasasalamat kay Mrs. Bella Dy Tan ng Universal Records.

"I’m so thankful for the trust she has given me," say ni Rainier. "She told me she has seen a great potential in me, sana nga magkatotoo."

Ang magiging vocal coach ni Rainier ay si professor Anthony Salazar. Naka-schedule na ang kanyang mga vocal training at tiyak na haharapin ng husto ito ni Rainier.

Si Mrs. Bella Tan naman, na-contract na ang karamihan sa mga leading composers upang igawa ng mga bagong kantang babagay kay Rainier.

Sa contract signing, masaya rin ang GMA Artist Center’s manager na si Ida Henares. Isa na naman talent under her wings ang nabigyan ng pagkakataon sa recording.

Ngayon ay isa na sa pinakasikat na young TV personalities si Rainier. Kilala na rin siya bilang commercial model. Susunod na ang paggawa niya ng pelikula. At malapit ng ilabas ang kanyang debut album.

Well excited na ang kanyang fans... pati kami!
* * *
Saan naman kayang network ililipat ang Search for A Star ng Viva Television, na dating nasa GMA 7?

May sarili na kasing mga talent search shows ang ABS-CBN at GMA. Posibleng ang maari nilang lipatan ay ang pinapalaking ABC-5.

Marami kasing gustong buksan na bagong shows sa Channel 5 at tiyak na magiging Big 3 na ang mga magiging involve sa darating na bagong network battle.

Show comments