Nakakahiya naman kung ilalampaso tayo ng mga Korean films dito sa'tin
May 16, 2004 | 12:00am
Noon lang isang linggo, nabanggit namin ang mga pelikulang Koreano na nakaka-angat na ngayon. Noong isang araw nakumbida kami sa premiere night ng isang pelikulang Koreano, iyong My Wife Is A Gangster. Mukhang kuntento ang mga taong nanood ng pelikula.
Maganda naman kasi ang pagkakagawa. Hindi ka magtataka kung bakit malaki ang kinikita ng pelikula dahil pinuhunanan ng 2.8 milyong dolyar o 156.1 milyong piso. Siguro naman kahit na ang pelikulang Pilipino, kung uubusan ng ganoon kalaking puhunan eh talagang gaganda ng ganyan. Dahil sa maganda ay kumita ng 31 milyong dolyar mula lamang sa kita sa mga sinehan sa Korea. Mahigit na doble na ang kinita niyan kung isasama ang kinita sa foreign distribution, video at cable rights. Tingnan ninyo, dito sa atin kikita pa ang pelikulang iyan.
Kagaya nga ng sinabi na namin, ang industriya ng pelikula sa Korea ay pabagsak na rin dahil ang nauna nga nilang ginawa ay mga pelikulang low budget din kagaya ng ating mga pitu-pito. Pero bumagsak din sila roon, kagaya ng nangyayari sa atin ngayon. Noong gumawa ulit sila ng mga matitinong pelikula, doon sila nakabawi at ngayon nga ay sinasabing sila na ang number one sa buong Asya. Isipin ninyo, nakapasok na ang mga pelikulang Koreano sa ating mga sinehan. Napasok na rin ng kanilang mga telenobela sa ating telebisyon. Sikat na rin dito ang kanilang mga artista na kagaya ng Bae Yong Joon. Aba, baka dumating ang araw na ang mga pelikulang Pilipino ay ilampaso na ng mga pelikulang Koreano dito sa Pilipinas. Kung mangyayari ang ganyan ay nakakahiya.
Yang My Wife is a Gangster, matagal nang may lumabas na pirated copy niyan sa DVD. Pero ang nagulat kami, yong pelikulang Taeguki, ang pinakamalaking hit na pelikula sa Korea ay may kopya na rin sa DVD 9. Malaki ang kaibahan niyang DVD 9. Bale kasi hindi pirated iyan kung di smuggled copy ng mga pelikula sa video. Legal na video yan sa Singapore, Malaysia o Taiwan, o kung saan man galing yon. Kaya mapapansin ninyo na original at magaganda pa nga ang packaging ng mga iyon. Pero naipapasok yan sa ating bansa. Illegal din iyan dahil hindi dapat ipinagbibili iyan dito sa ating bansa, at saka hindi rin ibinabayad ng taxes ang mga yan. Pero papaano nga ba yan naipapasok sa ating mga pier at airport? Talaga bang wala nang binabantayan ang VRB?
Lantad na lantad na sa mga bading ang isang male star na binigyan ng build up ng isang TV network. Pero ang sinasabi ng mga bading, hindi naman siya iyong call boy na nagpe-presyo sa mga bading. Kung magkano daw ang ibigay sa kanya, ok na iyon, pero syempre hindi naman siya pumapatol sa mga bading na hindi niya type, at saka siguro kung binarat naman siya, hindi na niya papatulan ulit ang bading na iyon. Pero talaga palang pahala na siya.
Maganda naman kasi ang pagkakagawa. Hindi ka magtataka kung bakit malaki ang kinikita ng pelikula dahil pinuhunanan ng 2.8 milyong dolyar o 156.1 milyong piso. Siguro naman kahit na ang pelikulang Pilipino, kung uubusan ng ganoon kalaking puhunan eh talagang gaganda ng ganyan. Dahil sa maganda ay kumita ng 31 milyong dolyar mula lamang sa kita sa mga sinehan sa Korea. Mahigit na doble na ang kinita niyan kung isasama ang kinita sa foreign distribution, video at cable rights. Tingnan ninyo, dito sa atin kikita pa ang pelikulang iyan.
Kagaya nga ng sinabi na namin, ang industriya ng pelikula sa Korea ay pabagsak na rin dahil ang nauna nga nilang ginawa ay mga pelikulang low budget din kagaya ng ating mga pitu-pito. Pero bumagsak din sila roon, kagaya ng nangyayari sa atin ngayon. Noong gumawa ulit sila ng mga matitinong pelikula, doon sila nakabawi at ngayon nga ay sinasabing sila na ang number one sa buong Asya. Isipin ninyo, nakapasok na ang mga pelikulang Koreano sa ating mga sinehan. Napasok na rin ng kanilang mga telenobela sa ating telebisyon. Sikat na rin dito ang kanilang mga artista na kagaya ng Bae Yong Joon. Aba, baka dumating ang araw na ang mga pelikulang Pilipino ay ilampaso na ng mga pelikulang Koreano dito sa Pilipinas. Kung mangyayari ang ganyan ay nakakahiya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended