Masaya ang atmosphere dahil may banda na tumutugtog. Maaga pa ay nagbigay na si Jennylyn ng isang awitin. Masaya ang mga bisita dahil napakarami ng pagkain. Halos hindi nga magkasya sa lamesa ang mga putaheng inihain, at masarap. Puring-puring nga si Manay Lolit Solis sa kanyang kinakain.
Later in the evening, may kasama nang cute na tuta si Jennylyn habang sinasalubong ang kanyang mga bisita. Regalo ito sa kanya ng kanyang boyfriend na si Mark Herras. Dala nito nang dumating siya sa party. Eighteen thousand pesos daw ang halaga ng Shi Tzu na nakalaso pa ng pula.
Isa lamang ang simpleng kahilingan ni Jennylyn for her birthday. Gusto niyang magkaroon ng peace of mind, kaya pwede bang tigil-tigilan na nyo yang mga tsismis na ikinakalat nyo sa kanya?!
Isang matapang na programa na may bagong konsepto ang mapapanood isang oras bago magsimula ang programa ng GMA7. Ito ang Its Chowtime na magsisimulang mapanood ang isang oras bago mag-simula ang programa ng GMA7. Ito ang It's Chowtime na magsisimulang mapanood sa Lunes, Abril 17, 11 NU hanggang 12 NT. Pinaghalo dito ang elemento ng comedy, great performances, studio games a cash prizes.
Hosts ng bagong palabas ang singe/comedienne na si Marissa Sanchez and Tv Host number 1 councilor ng San Juan sa nakaraang halalan, Si Bobby Yan kasama ang ilan pang fresh, young talents. Co-hosts ng ibat-ibang segments sina Bb. Pilipinas-Universe Kan Agustin, Bike 101 host Mike Chan, comedian Hyubs Luane Dy, Margas Arenas, Spicy Susan, Maresciel Yao, Justine de Leon at ang Sooperbabes.
First time ito nina Marissa at Bobby na magkakasama sa ibang palabas. Dating napapanood sa MTb, ASAP at SIS si Marissa samantalang anchor naman ng Magandang Umaga Bayan si Bobby.
Nagde-debut naman bilang direktor si Earl Ignacio, dating nasa ABS-CBN stable.