Halalan sa Borongan, Eastern Samar
May 14, 2004 | 12:00am
Mukhang hindi na nga yata mawawala sa mga Pinoy ang gapangan at bilihan ng boto isang araw bago dumating ang araw ng halalan lalo na sa mga probinsya.
Nagkataon na kaarawan ko nung nakaraang Lunes (Mayo 10) kaya nag-desisyon akong sa aming probinsya sa Borongan, Eastern Samar ipagdiwang ang araw na yon. Biyernes pa lamang ng gabi ay tumulak na ako ng Borongan (by land) kasama ang anak kong si Aila Marie, ang kaibigan at kababayan kong si Leo Montes (Citibank executive) na siyang may-ari ng Pajero na aming sinakyan at pamangkin nitong si Jun-Jun na siyang nagmaneho patungong Borongan. Very tiring but it was an exciting trip.
Habang binabaybay namin ang mahabang daan mula Maynila hanggang Samar, nakita namin kung sinu-sino sa mga national candidates (mula panguluhan hanggang mga senatoriables) ang visible maging sa mga probinsya. Sa tuwing humihinto kami sa ilang lugar para magpahinga at kumain, nagtatanong-tanong kami kung sino ang kanilang mga iboboto. Sari-sari ang reaction ng mga tao.
Magkakaiba sila ng mga choices na siya naman naming inaasahan. Alas-7 na ng gabi nang kami ay makarating ng Borongan. Dahil pagod at gabi na, hindi na kami lumabas ng bahay at kinabukasan ng umaga, humabol kami sa second mass. Nagkataon naman na nakasabay namin sa misang yon ang halos lahat ng mga local candidates sa aming bayan kaya pagkatapos ng misa ay hindi nawala ang kamustuhan.
Pagkagaling namin ng simbahan ay dumiretso na kami ng palengke. Bago mananghalian ay tumuloy na kami ng beach (Pirates Cove) sa Rawis kung saan may magkahiwalay na beach houses sina Boy Abunda at Leo Montes. Wala roon si Boy pero ang kanyang beach house ay buhay na buhay sa rami ng taong nagpaparoot parito lalo pat kandidato sa pagka-vice mayor ang kanyang inang si Nanay Lising (na siyang nanalo, by the way) at tinalo nito ang aming incumbent vice-mayor na si Anton Uy.
Tatlong termino rin ang binuno ni Nanay Lising na parating topnotcher sa pagka-konsehal bago ito nag-desisyon sa pagka-vice mayor. Kung si Boy lamang ang masusunod, mas gusto nito na huwag nang makilahok sa pulitika ang kanyang butihing ina ngunit ang huli ang may gusto kaya walang magawa ang sikat na TV host-talent manager kundi ang suportahan ang kanyang ina na nahilig sa serbisyo publiko matapos itong magretiro sa pagka-guro sa aming bayan.
Dahil nasa pulitika ang ina ni Boy, marami kaming mga kababayan sa Borongan ang naniniwala na balang araw ay papasukin din ng talk show host ang larangang ito bagay na aming sinang-ayunan.
Samantala, nalungkot ako para sa aking dating teacher at school principal nung high school na si G. Roy Montes (ng VGMMA) na kumandidato sa pagka-congressman ng Eastern Samar na hindi nakalusot dahil sa kakapusan ng financial backing kumpara sa kanyang mga katunggali na talaga namang apaw ang pera. Sa maraming botante, hindi na mahalaga ang kapasidad ng isang kandidato kundi ang makukuha nilang pera bago ang halalan. How sad!
Sinubaybayan nang husto hindi lamang ng mga Pinoy kundi maging ang mga boxing enthusiasts sa buong mundo ang laban ng ating kababayan na si Manny Pacquiao at ang Mexican boxing champ na si Manuel Marquez nung nakaraang linggo. Pero bukod kay Manny, naging extra proud ang mga Pinoy nang mapanood si Lani Misalucha na siyang umawit ng Pambansang Awit acapella bago ang much-awaited na laban nina Manny at Manuel na talaga namang hinangaan ang kanyang napakagandang boses.
Kung hindi magbabago ng desisyon si Lani, malamang na sa Amerika na ito mamirmihan kasama ang kanyang pamilya. Wala na si Lani sa SOP at si Pops Fernandez naman ang humalili sa kanya sa Celebrity Turns bilang co-host ni Junie Lee (Michael V.).
Speaking of Celebrity Turns, magiging panauhin sa Mayo 22 (Sabado) ng programa ang kontrobersyal na si Elaine Crisostomo na makakapanayam ni Junie Lee at may one-on-one interview naman si Pops sa socialite na si Tessa Prieto-Valdes.
Tuwang-tuwang ibinalita sa amin ni Isabel Granada na nakalusot sa pagka-konsehal ng Angeles City ang kanyang mister na si Geryk Genasky Aguas.
Samantala, ang pulitika ay parang sugal - may nananalo at may natatalo. Pero dito sa Pilipinas kapag ang isang kandidato ay natalo tiyak na siyay dinaya, isang ugali na hindi na talaga mawawala sa ating sistemang politikal. Kailan kaya magbabago ang mga Pinoy? Sumaludo kami kay Joey Marquez sa kanyang maagang pagtanggap sa kanyang pagkatalo bilang congressman ng Parañaque dahil milya-milya ang layo ng boto ni Roilo Golez sa kanya. Ang dapat lang talagang matutunan ng mga Pinoy ay matuto sana silang tumanggap ng pagkatalo sa halip na mag-protesta o di kaya makipagpatayan.
Email: [email protected]
Nagkataon na kaarawan ko nung nakaraang Lunes (Mayo 10) kaya nag-desisyon akong sa aming probinsya sa Borongan, Eastern Samar ipagdiwang ang araw na yon. Biyernes pa lamang ng gabi ay tumulak na ako ng Borongan (by land) kasama ang anak kong si Aila Marie, ang kaibigan at kababayan kong si Leo Montes (Citibank executive) na siyang may-ari ng Pajero na aming sinakyan at pamangkin nitong si Jun-Jun na siyang nagmaneho patungong Borongan. Very tiring but it was an exciting trip.
Habang binabaybay namin ang mahabang daan mula Maynila hanggang Samar, nakita namin kung sinu-sino sa mga national candidates (mula panguluhan hanggang mga senatoriables) ang visible maging sa mga probinsya. Sa tuwing humihinto kami sa ilang lugar para magpahinga at kumain, nagtatanong-tanong kami kung sino ang kanilang mga iboboto. Sari-sari ang reaction ng mga tao.
Magkakaiba sila ng mga choices na siya naman naming inaasahan. Alas-7 na ng gabi nang kami ay makarating ng Borongan. Dahil pagod at gabi na, hindi na kami lumabas ng bahay at kinabukasan ng umaga, humabol kami sa second mass. Nagkataon naman na nakasabay namin sa misang yon ang halos lahat ng mga local candidates sa aming bayan kaya pagkatapos ng misa ay hindi nawala ang kamustuhan.
Pagkagaling namin ng simbahan ay dumiretso na kami ng palengke. Bago mananghalian ay tumuloy na kami ng beach (Pirates Cove) sa Rawis kung saan may magkahiwalay na beach houses sina Boy Abunda at Leo Montes. Wala roon si Boy pero ang kanyang beach house ay buhay na buhay sa rami ng taong nagpaparoot parito lalo pat kandidato sa pagka-vice mayor ang kanyang inang si Nanay Lising (na siyang nanalo, by the way) at tinalo nito ang aming incumbent vice-mayor na si Anton Uy.
Tatlong termino rin ang binuno ni Nanay Lising na parating topnotcher sa pagka-konsehal bago ito nag-desisyon sa pagka-vice mayor. Kung si Boy lamang ang masusunod, mas gusto nito na huwag nang makilahok sa pulitika ang kanyang butihing ina ngunit ang huli ang may gusto kaya walang magawa ang sikat na TV host-talent manager kundi ang suportahan ang kanyang ina na nahilig sa serbisyo publiko matapos itong magretiro sa pagka-guro sa aming bayan.
Dahil nasa pulitika ang ina ni Boy, marami kaming mga kababayan sa Borongan ang naniniwala na balang araw ay papasukin din ng talk show host ang larangang ito bagay na aming sinang-ayunan.
Samantala, nalungkot ako para sa aking dating teacher at school principal nung high school na si G. Roy Montes (ng VGMMA) na kumandidato sa pagka-congressman ng Eastern Samar na hindi nakalusot dahil sa kakapusan ng financial backing kumpara sa kanyang mga katunggali na talaga namang apaw ang pera. Sa maraming botante, hindi na mahalaga ang kapasidad ng isang kandidato kundi ang makukuha nilang pera bago ang halalan. How sad!
Kung hindi magbabago ng desisyon si Lani, malamang na sa Amerika na ito mamirmihan kasama ang kanyang pamilya. Wala na si Lani sa SOP at si Pops Fernandez naman ang humalili sa kanya sa Celebrity Turns bilang co-host ni Junie Lee (Michael V.).
Speaking of Celebrity Turns, magiging panauhin sa Mayo 22 (Sabado) ng programa ang kontrobersyal na si Elaine Crisostomo na makakapanayam ni Junie Lee at may one-on-one interview naman si Pops sa socialite na si Tessa Prieto-Valdes.
Samantala, ang pulitika ay parang sugal - may nananalo at may natatalo. Pero dito sa Pilipinas kapag ang isang kandidato ay natalo tiyak na siyay dinaya, isang ugali na hindi na talaga mawawala sa ating sistemang politikal. Kailan kaya magbabago ang mga Pinoy? Sumaludo kami kay Joey Marquez sa kanyang maagang pagtanggap sa kanyang pagkatalo bilang congressman ng Parañaque dahil milya-milya ang layo ng boto ni Roilo Golez sa kanya. Ang dapat lang talagang matutunan ng mga Pinoy ay matuto sana silang tumanggap ng pagkatalo sa halip na mag-protesta o di kaya makipagpatayan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended