Bukas, Mayo 15, Sabado, sa ika-7:30 ng gabi, isang magandang palabas ang nakatakdang mapanood sa Teatro Marikina na matatagpuan sa Shoe Ave., San Roque, Marikina City na pinamagatang A Night of Filipino Classical Music (Harana sa Bayan) na magtatampok sa world renowned Philippine Madrigal Singers na sa susunod na linggo ay magtutungo ng Europa.
Ang palabas ay isang love call and offering hindi lamang para sa mga kabataan ng Marikina kundi maging sa mga myembro ng komunidad. Bukod sa Philippine Madrigal Singers, tampok din sa nasabing palabas ang the three Tenors na binubuo nina MMDA Chairman Bayani Fernando, Sec. Joey Lina at Sec Angelo Reyes. Ang palabas ay nasa direksyon ni Nanding Josef, isa ring Marikeño. Pangunahing layunin ng tatlo ang suportahan ang proyekto, pangalawa lamang ang bigyan laya ang kanilang talino sa pag-awit.
Mabibili na ang tiket sa Marikina Cultural Office, Teatro Marikina at Kapitan Moy. Para sa ibang detalye, tumawag sa 6473330/6462360 loc. 221/789-8554/0917-8510887/0920-8688129.
Ang Philippine Madrigal Singers ay isang grupo ng mga mag-aaral, faculty members at alumni na mula sa ibat ibang colleges ng UP na pinag-iisa ng kanilang pagkanta at may layunin na itaas ang choral singing sa bansa sa lebel ng international art form na kilala natin ngayon.
May dalawang sesyon ito, ang isa ay sa ika-8:00 NU-12:00 NT at ang ikalawa ay sa 1:00-5:00 NH, Lunes hanggang Biyernes. Ito ay joint project ng Mowelfund at Bagong Henerasyon Foundation, Inc.
Lahat ng interesadong myembro ay maaaring magparehistro sa Social Welfare Office sa Mowelfund Plaza. Hanapin lamang si Ms. Jacque Patual. Magdala ng 2 1X1 pic. Tumawag sa Tel # 7271915/727-1961.