John,inalok ng GMA pero nagdecide na manatili sa ABS-CBN

Habang pinapanood ko ang Halalan 2004, ang coverage ng ABS-CBN ng eleksyon, I can’t help but feel proud sa mga taong nag-serbisyo sa nakaraang eleksyon. Habang sinusulat ko ang kolum na ito, nakita ko ang video kung saan pagod na ang mga guro, poll watchers at mga Comelec representatives. Muli kong naramdaman ang pinagdaanan kong pagod nang mag-serve ako as poll watcher noong 2001 elections.

Hindi biro ang pagod ng isang pollwatcher. Bukod sa pagod, nariyan ang antok at gutom. Ang higit na nakakatakot ay ang danger na susuungin mo sa pagprotekta ng balota.

Gusto ko ring papurihan ang mga field reporters na naka-deploy sa iba’t ibang lugar sa bansa. Hindi biro ang trabahong kanilang sinuong para lang makapaghatid ng balita sa atin.

Ano’t anuman ang maging resulta ng nagdaang eleksyon, sana makita ng marami ang kadakilaan ng mga nagsilbi sa eleksyon, especially, ang mga guro. Sa tuwina ay lagi na lang silang agrabiyado pag eleksyon.

Speaking of Halalan 2004, gusto kong batiin ang ABS-CBN, Philippine Star, Social Weather Station, STI, Globe, Beer na Beer at Touch Mobile sa isang maganda, malawak at fair coverage ng May 10 elections.
* * *
Ang makulay na buhay ni Renee Salud ang tampok na episode sa Maalaala Mo Kaya ngayong gabi. Sa mga hindi nakakaalam, isang sikat na fashion designer si Renee noong dekada ’70. Siya rin ang mentor ng karamihan sa mga sikat na beauty queens natin. Noon, kapag alaga ka ni Mama Renee, siguradong in ka sa anumang beauty contest na salihan mo.

At tulad ng maraming success stories, hindi naging madali na makuha ni Mama Renee ang kanyang tagumpay. Lalo pa’t hindi lubusang tanggap ng kanyang ama ang kanyang propesyon.

Alamin ang makulay na buhay ni Mama Renee Salud ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya. Si Romnick Sarmienta ang gaganap sa role. Kasama rin sa episode sina Daria Ramirez, Mel Martinez, Irma Adlawan, Nanding Josef, Jay Benito at may special participation sina Angelene Aguilar at Justine Cuyugan.

Si Jeffrey Jeturian ang nagdirek ng episode.
* * *
Inamin ni John Estrada na masaya siya sa pagbabalik sa ABS-CBN. Inamin din ng aktor na totoo na nagkaroon siya ng offer mula sa GMA 7 mula nang mawala siya sa Masayang Tanghali Bayan.

"I weighed both offers," sabi ni John. "And upon weighing I realized na mas magiging komportable ako with ABS-CBN which I consider a home for many years. Sa kanila ako nagsimula, lumaki at nag-grow."

Sa pagbabalik ni John sa ABS-CBN, unang ini-offer sa kanya ang role bilang love interest ni Aiai delas Alas sa Ang Tanging Ina, The Series.

"Immediately, tinanggap ko agad," sabi ni John. "Yun ang TV role na gustung-gusto ko. Family comedy kasi ang Tanging Ina, e. Plus wholesome but naughty ang role ko."

Bukod sa Ang Tanging Ina, The Series, makakasama rin si John sa isang bagong teleserye na sisimulan ng ABS-CBN.

Officially annulled na ang kasal nila ni Janice de Belen but John would rather not talk about it. Aniya, "It’s something we both wanted and waited kaya now that it’s granted, trabahong puspusan na kami. We both have to move on," sabi ni John.
* * *
Open na ang Dish (The Loop, ABS-CBN). Isa ito sa pinag-uusapang places ngayon sa Quezon City. May nightly entertainment featuring performers like South Border, Nyoy Volante, Karel Marquez, Akafellas, Christian Bautista at iba pa.

Dish also serves lunch and dinner. Walang cover charge ang gabi-gabing shows.

Dish is owned and operated by Phillip Cu-Unjieng and EJ Litton.

Check out the place.

Show comments