"Ever since talaga, nagi-enjoy na ako sa tubig. Kaya everytime na may chance kaming mag-anak na mag-stay doon (beach resort in Calatagan), nagi-stay kami," he said sa isang previous interview. Mahilig kasi sa scuba diving, swimming, basta lahat ng water sports feel ni Aga na rason para nga bilhin niya ang nasabing resort.
Anyway, bukod sa resort, nagdi-develop na rin sina Aga at Charlene ng seven hectare farm sa Mataas Na Kahoy sa Batangas. Actually, ang laki ng lugar facing Taal Volcano kaya maganda ang location.
Natapos na ang aviary na pinagawa niya roon na isa sa priority projects niya sa nasabing farm. Nahihilig kasi si Aga sa ibon as in nagbi-breed siya at nagbabasa ng mga books tungkol sa pag-aalaga ng ibon.
Bukod sa medyo mabusisi dahil kailangan pa niyang kumuha ng permit para maging legal ang pag-aalaga, medyo magastos din. "Pero enjoy naman. Ibang excitement ang nararamdaman ko," he said.
Actually, kahit sa bahay nila sa Alabang, marami ring ibon.
Kung ibon naman ang hilig ni Aga, halaman naman ang kinababaliwan ng wife niyang si Charlene. Lahat na yata ng klase ng halaman, nadala na nila sa nasabing farm sa Mataas Na Kahoy. Kaya nga tuwing makakita sila ng ibat ibang halaman, talagang binibili nila para dalhin sa Batangas kahit saang probinsya sila magpunta.
Nakita ko na actually ang plano sa nasabing seven hectare farm. Aside from aviary, may church, swimming pool, house ang ilan sa mga sinisimulan nang itayo sa nasabing lupain ng mag-asawa.
Kaya nga hindi mo yan mahahagilap pag wala silang trabaho dahil mas gusto nilang mag-stay doon at magtanim-tanim. Parati nilang kasama roon ang kambal - Atasha and Andres na enjoy din daw sa probinsya.
"Doon napupunta ang kinikita namin ngayon," sabi ni Aga na Im sure joke lang naman.
Anyway, going back to All My Life. First time niya rin palang maka-trabaho si Direk Dyogi at wala namang naging problema kay Aga. Although may chance na nagsa-suggest siya kay Direk na ini-entertain naman ng direktor.
Speaking of Gary, habang nagtatagal siya sa business mas lalong nai-excite ang mga tao na panoorin ang concert niya. Kaya naman ilang beses nang nagpapabalik-balik sa Music Museum ang concert niyang Gary V Hits Music Museum...The Repeat! na na-extend sa May 13 and 14 at 8:00 p.m.
Hindi kasi nakakasawang panoorin at pakinggan ang mga kanta niya sa nasabing concert - mga hits of the 70s, dance to the tunes of the 80s and the 90s. And I can attest to that dahil nanood na ako nong minsan.
Kasama pa rin ni Gary ang younger son niyang si Gabriel, Powerplay, Ugoy Ugoy Band, May Ann Casal-Soriano, Melissa Fontano and R&B princess Kyla.
Meron ding duet si Gary sa kanyang only daughter na si Kiana and with her mother, Grimilda Ortiz on screen.
Ang theater actress-singer na si Pam G ang opening act samantalang si Mon Faustino ang director.
Ang Gary V Hits Music Museum...The Repeat! ay produced ng Manila Genesis Entertainment and GV Productions Inc. for Mama Entertainment.
Tickets are available at Ticketworld outlets (891-9999), National Bookstore branches, Robinsons Department Stores, Tower Records and Music Museum.
I am a faithful follower of GMA 7 shows, sa household namin nakatutok kami sa Siete. I am just wondering if you could help me, kasi my children are always asking me to call GMA 7, to get the address or e-mail address of the little girl who play Nicola in All Together Now. My kids are always puyat watching her show, pero we noticed, na more than four weeks na hindi siya lumalabas. Did she leave the show for good? Shes adorable! Everyone in our village likes her, kasi we first saw her last Christmas, on GMAs station ID, ang cute cute nilang mga bata doon! That commercial was a very touching one.
Can you send us a picture of hers? Or maybe feature her in your columns. Hope to hear from you. Thanks a lot and more power!
Ana
Im an avid reader of PSN. Gusto ko lang ipaabot kay Mother Lily o sa lahat ng producers natin sa bansa na buhayin muli ang adventure-horror-fantasy films gaya ng Spirit Warriors ng Streetboys. But this time, instead of Streetboys, bat di nila gawing bida ang sikat na grupong Sexbomb girls? Kung sa pasikatan rin lang naman, di hamak na malayo ang narating ng Sexbomb girls kaysa sa mga grupong lumalabas ngayon.
Patunay niyan ay ang maraming awards tulad ng most popular sing/dance group awards, high ratings sa kanilang mga TV shows, mga sold-out concerts, at kung sa pag-arte ang pag-uusapan, napatunayan na nila ito sa kanilang movie na Bakit Papa? at sa high rating soap nila na Daisy Siyete.
Im really a big fan of them especially to Ms. Mae Acosta, Cynthia Yapchiongco and Jopay Paguia so I hope na makita ko sila sa big screen tulad ng role ng Streetboys.
Rhon Villanueva" <gothic_guilt666@yahoo.com>