Danna Garcel,makakalakad na sa tulong ng therapy at saklay !
May 11, 2004 | 12:00am
Magkahalong hinanakit, panghihinayang at pagsisisi ang nararamdaman ngayon ng seksi aktres na si Danna Garcel na ngayon ay nagpapagaling na lamang sa kanyang condo unit sa Ortigas.
Matatandaang isang malupit na aksidente ang kanyang dinanas na ikinamatay ng kasama niyang si Halina Perez at manager nito nang manggaling sila sa isang concert show sa Laguna. Nalasog ang buto ni Danna sa kanyang kaliwang paa dahilan sa aksidente!
Ngayon ay unti-unti nang gumagaling si Danna, sa tulong na rin ng therapy. Nang matanggal ang inilagay na bakal sa kanyang paa ay unti-unti na rin niya itong naigagalaw sa pamamagitan ng saklay. Ayon sa doktor na gumagamot sa kanya ay baka aabutin pa raw ng tatlong buwan bago siya makalakad ng normal.
Ang lahat ng kanyang pagpapagamot ay sariling gastos ni Danna dahil matagal pa ang inaasahang pinansyal na tulong na magmumula sa insurance at kumpanya ng Konica na siyang nagmamay-ari ng trak na bumangga sa kanila.
Ayon kay Danna, "Buti na lamang ay may naipon ako mula sa aking pagtatrabaho noon sa Japan. Ang masaklap nito ay hindi na ako tinutulungan ng aking manager na si Coco simula nang maganap ang aksidente. Pakiwari ko ay gusto pa niya akong isahan, natuklasan ko pa na may ginagawa siyang panloloko at panlalamang sa akin." Isa na raw umano ang pagkakabili niya ng sasakyan na nasa pangalan ni Coco. Dahil di pa siya pwedeng pagtiwalaan ng nagpapautang ng car company kung kayat si Coco umano ang tumulong sa kanya.
Si Coco rin daw ang direktang nagbabayad sa company pag nakukuha na niya kay Danna ang pera na di pumapalya tuwing ika-26 ng bawat buwan. Kapag lumampas siya sa araw na ito ay pinagmumulta na siya ng karagdagang isang libo.
Mahigit na sa kalahati ang naibabayad ni Danna sa sasakyan at gusto na niyang mai-transfer ito sa kanyang pangalan at babayaran na niya ang kabuuang balanse. Pero, ayaw daw pumayag ni Coco na samahan si Danna sa bangko para mailipat na sa pangalan ng dalaga ang sasakyan. Ang gusto raw mangyari ni Coco ay bayaran na muna ito ni Danna at saka ibigay sa kanya ang resibo.
Ayon sa text message ni Coco, hindi raw ito naniniwala na mababayaran ito ni Danna. Gusto niya ay iri-report na lamang daw niya ang sasakyan sa Crame bilang isang carnap. Sa ngayon ay kasalukuyan pa ring nasa parking lot ang sasakyan na monthly ang upa. Samantalang ang mga susi ng sasakyan ay nasa pag-iingat ni Danna. Nagtataka ngayon si Mommy Emma kung ano talaga ang intensyon ni Coco kung kayat nagbabalak silang magsampa ng demanda laban kay Coco.
Nagsimula ang samaan ng loob nina Danna at Coco nang lumipat ng unit sa mas mababang floor na katapat din ng inalisan niya si Danna dahil natuklasan nila na mas mura rito.
Ayon kay Mommy Emma, hindi sang-ayon si Coco sa pakikipagmabutihan ni Danna sa boyfriend nito na maaaring makasira sa career ng dalaga. Balak din daw ni Coco na magsampa ng demanda laban kay Mommy Emma ng kasong trespassing sa dahilang pumasok umano si Mommy Emma sa condo niya na ipinagbabawal niya.
Marami pa umanong anomalya at panlalamang na ginawa sa kanyang anak si Coco na mahirap ipaliwanag katulad na lamang ng pagpapalit ng mga digits na nakasaad sa deed of sale at resibo ng sasakyan at mga paraan ng pagbabayad.
Sa ngayon ay sising-sisi si Danna sa kanyang mga naging hakbang na ginawa upang makapag-artista lamang muli. "Ayaw naman kasi talagang pumayag ni Mommy na magpaseksi ako sa movie pero dahil sa kagustuhan ko ay di ko ipinaalam sa kanya ang lahat ng mga pinaggagagawa ko at maging sa pagbili ng sasakyan. Gusto ko kasi ay maging sorpresa ko na lamang ito sa kanya. Mali pala, nasa huli talaga ang pag-sisisi," hinaing niya.
LUZ CANDABA

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended