Alam daw nito ang mga sex technique kaya satisfied ang kanyang nagiging nobyo kaya lang sa sobrang pagkahilig nito sa romansa ay iniiwasan na siya ng boyfriend hanggang nauuwi sa hiwalayan.
Ayon pa sa aking source ay parang di makabasag-pinggan ang may maamong mukha ng aktres na after makipaghiwalay sa kanyang boyfriend ay may bago ngayong minamahal na isa ring sikat na aktor.
Kung tutuusin, hindi naman pinagmumulan ng tsismis ang ina ng aktres kaya lang lagi itong napagbibintangan. Para makaiwas na lang sa gulo ay hindi na niya sasamahan ang anak at sa halip ay ang PA na lang ni Angelica ang bubuntot sa lakad ng anak.
Ayon sa magiting na senador ay hindi siya apektado ng paninira ng kalaban.
Isa sa paninira ay tungkol sa pagpapaalis o demolisyon ng mosque sa Baclaran. Paano magagawa ito ni Kabayan samantalang mahal niya ang Muslim dahil ang asawa nitong si Arlene ay isang Muslim at apo ito ni Datu Sinsuat na kauna-unahang senador na Muslim. Hanggang ngayon ay tinutulungan pa rin ni Kabayan ang mga Muslim ayon sa spokesperson nito.
Kasalukuyang nagsusyuting si Francine ng Liberated 2 na entry sa Manila Film Festival ng Seiko Films.
Sa kabilang banda, malapit nang matapos ang syuting ni Kris ng Feng Shui.
Balediktoryan si Jema pero bago sumapit ang graduation, nagkaroon ng malaking trahedya sa barkong sinasakyan nya at nasunog ang mukha niya. Sa tulong ng kanyang ina ay naging positibo ang pananaw nito sa buhay.
Maganda ang relasyon nina Ciara at Helen kahit sa tunay na buhay. Ito bale ang Mothers Day presentation ng programa.
Sa kabilang banda, may nagtatanong kung nagkabalikan na raw ba sina Ciara at ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz dahil may nakakakita sa kanilang magkasama pa rin. Inamin naman ni Ciara na wala nang balikang mangyayari bagamat naroon pa rin ang pagiging magkaibigan nila. Nagi-enjoy pa rin si Ciara kapag kasama si John, pero hanggang doon na lang at di na muling maibabalik ang dating relasyon nila.