^

PSN Showbiz

Young actress, sobrang hilig sa sex

- Emy Abuan Bautista -
May nakapagsyete na kaya laging iniiwan ng kanyang boyfriend ang sikat na young actress na ito ay dahil mahilig daw ito sa sex.

Alam daw nito ang mga sex technique kaya satisfied ang kanyang nagiging nobyo kaya lang sa sobrang pagkahilig nito sa romansa ay iniiwasan na siya ng boyfriend hanggang nauuwi sa hiwalayan.

Ayon pa sa aking source ay parang di makabasag-pinggan ang may maamong mukha ng aktres na after makipaghiwalay sa kanyang boyfriend ay may bago ngayong minamahal na isa ring sikat na aktor.
Di Na Sinasamahan Ng Ina
Kung laging nakabuntot noon ang mommy ni Angelica Jones na si Mommy Beth ngayon ay hindi na. Kahit komportable ang aktres sa pagsama-sama ng kanyang ina sa syuting, taping o mga shows ay nag-usap ang dalawa na huwag na lang sumama si Mommy Beth sa kanya. Lagi itong namimis-interpret na pinagmumulan ng tsismis kaya hindi nagiging maganda ang samahan nila ng production staff at ilang artista.

Kung tutuusin, hindi naman pinagmumulan ng tsismis ang ina ng aktres kaya lang lagi itong napagbibintangan. Para makaiwas na lang sa gulo ay hindi na niya sasamahan ang anak at sa halip ay ang PA na lang ni Angelica ang bubuntot sa lakad ng anak.
Di Apektado Ng Black Propaganda
Tinanong si Senador Noli de Castro sa kanyang get-together party sa press na sumusuporta sa kanya kung ano ang reaksyon nito sa black propaganda na ibinabato laban sa kanya.

Ayon sa magiting na senador ay hindi siya apektado ng paninira ng kalaban.

Isa sa paninira ay tungkol sa pagpapaalis o demolisyon ng mosque sa Baclaran. Paano magagawa ito ni Kabayan samantalang mahal niya ang Muslim dahil ang asawa nitong si Arlene ay isang Muslim at apo ito ni Datu Sinsuat na kauna-unahang senador na Muslim. Hanggang ngayon ay tinutulungan pa rin ni Kabayan ang mga Muslim ayon sa spokesperson nito.
Nahahasa Sa Akting
Naniniwala si Robbie Tan na malayo ang mararating ni Francine Prieto dahil may ibubuga ito sa acting-mapadrama o mapa-komedi. Katunayan, after Liberated at Bridal Shower ay naging mainstay ito sa All Together Now.

Kasalukuyang nagsusyuting si Francine ng Liberated 2 na entry sa Manila Film Festival ng Seiko Films.
Ipe, Di Pa Nakikita Si Joshua
Matagal-tagal na sa bansa si Phillip Salvador pero hindi pa rin sila nagkikita ni Joshua. Ayon kay Kris Aquino ay hindi pa naman hinihiram ng aktor ang kanilang anak. Sinabi rin ng aktres na mas gugustuhin niya na makilala muna ang bagong asawa ni Ipe bago niya ipahiram si Joshua. Katwiran nito ay may sarili na silang buhay ngayon. Gusto nitong makatiyak kung aalagaan din nila si Joshua sakaling hiramin nila ang bata.

Sa kabilang banda, malapit nang matapos ang syuting ni Kris ng Feng Shui.
Ang Galing Ni Ciara
Napanood namin ang The Jema Tabinas Story sa Magpakailanman kung saan si Ciara Sotto ang gumanap sa papel ni Jema at nanay naman nito si Helen Gamboa. Napakagaling umarte ni Ciara gayundin ang kanyang ina at maraming eksena ay nailarawan nila ng buong husay ang karakter na ginampanan.

Balediktoryan si Jema pero bago sumapit ang graduation, nagkaroon ng malaking trahedya sa barkong sinasakyan n’ya at nasunog ang mukha niya. Sa tulong ng kanyang ina ay naging positibo ang pananaw nito sa buhay.

Maganda ang relasyon nina Ciara at Helen kahit sa tunay na buhay. Ito bale ang Mothers Day presentation ng programa.

Sa kabilang banda, may nagtatanong kung nagkabalikan na raw ba sina Ciara at ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz dahil may nakakakita sa kanilang magkasama pa rin. Inamin naman ni Ciara na wala nang balikang mangyayari bagama’t naroon pa rin ang pagiging magkaibigan nila. Nagi-enjoy pa rin si Ciara kapag kasama si John, pero hanggang doon na lang at di na muling maibabalik ang dating relasyon nila.

ALL TOGETHER NOW

ANG GALING NI CIARA

ANGELICA JONES

AYON

BRIDAL SHOWER

CENTER

CIARA

MOMMY BETH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with