Bago mag-alas-kwatro, pumunta na siya sa airport para sa kanyang flight patungong New York City. Officially invited si Direk Maryo J. sa Tribeca International Film Festival doon, na pinalabas ang kanyang multi-awarded film na Magnifico.
Almost 6 hours ang biyahekasama na ang stop-over sa Narita airport sa Tokyokayat alas-sais na ng gabi nang dumating siya sa NYC. From the John F. Kennedy airport, inihatid si Direk sa Millennium Hotel, sa 55th Street. Malapit na roon ang mga venues ng festival.
Ang Tribeca International Film Festival ay kabilang sa mga pinaka-prestigous annual festivals tulad ng sa Cannes at Berlin.
Kasali ang Magnifico sa mga napili sa exhibition division ng Tribeca Festival.
Dahil gabi na nang dumating doon si Direk, sarado na ang filmmaker desk. Kinabukasan na niya nakuha ang kanyang bag na puno ng mga materials ng festival, at ang kanyang filmmakers badge para makapasok sa ibat ibang pelikulang pinalabas doon at maka-attend ng mga function.
Isang pelikula ang gusto niyang panoorin, pero hindi siya pinapasok ng bantay sa sinehan. Dapat daw ipapalit niya muna ng tickets ang kanyang mga invoices na nakuha.
"Kahit suot ko pa ang filmmakers badge, ayaw nilang pansinin," kwento ni Direk. "Sa rami kasi ng mga volunteers doon, nagkakagulo sila."
Ipinalabas sa dalawang sinehan, United Artists Theater 6 and 7 ang Magnifico na parehong punung-puno. Marami pa ang nakapilang tao pero hindi na pinapasok dahil bawal sa Fire Department doon na lumampas sa capacity ang mga manonood.
Bago ang screening ng Magnifico, ang instruction kay Direk Maryo J. ay dapat nasa venue na siya ng kalahating oras before the showing. Matagal na siyang nakatayo sa pinto pero ayaw pa rin siyang papasukin. Kailangan pang tawagin ang taong in-charge sa mga filmmakers na si Carmen Vicencio. Meron palang isang partikular person na assigned para mag-assist kay Direk na si Katherine Ventura na isang Pinay.
Very apologetic naman sina Carmen at Katherine sa mga nangyaring inconveniences sa kanilang VIP guest na si Direk Maryo J. ang sabi pa sa kanya, kahit ano pang pelikula ang gusto niyang panoorin personal siyang sasamahan ni Katherine. Ang kaso, hindi na maari dahil kinabukasan balik agad sa Pilipinas si Direk.
Para sa direktor ng pelikulang pinalabas sa festival, meron palang naka-reserve na 15 tickets para sa Magnifico si Direk na maari niyang ipamigay sa kanyang mga personally invited guests na mga taga-New York.
Late na rin naibigay sa kanya, noon mismong ipapalabas na ang Magnifico. Kayat sinabi ni Direk na ipamigay na lang sa mga marami pang taong nakapila at gustong manood!
Nagkaroon ng open forum sa dalawang venues after each screening. Kayat pumanhik sa stage si Direk Maryo J. para magsalita at sumagot sa mga tanong.
Pinasalamatan ni Direk ang mga bumuo ng Tribeca International Film Festival sa New York City, "For giving Magnifico the chance o be shown here, a film which illustrates the triumph of the human spirit and human kindness."
Kahit kasi sa anong bansa ipalabas ang Magnifico binibigyan ng malakas na palakpakan after the screening. Ganito rin ang nangyari sa New York. Tapos na nga ang open forum, marami pang nagtatanong kay Direk at maraming nangumbida sa kanya sa dinner at maraming pagtitipon. Lahat, hindi niya napaunlakan dahil pauwi na siya kinabukasan.
Ang tanging napagbigyan niya ay ang kanyang mga kamag-anak na New York based.
Ang susunod na festival na pupuntahan ni Magnifico ay ang sa Rome, sa susunod na buwan. Hindi na makakasama roon si Direk Maryo J. dahil kailangan niyang tapusin ang Kulimlim na bida sina Robin Padilla at Angelu de Leon.
Sa NYC, marami rin palang nakapanood na mga officials ng ibang worldwide festival sa nasabing obra. Kayat hanggang ngayon ay maraming nag-e-mail kay Direk para kumbidahin siya at ang pelikula sa mga darating pang global film festivals t his year.
Isa na rito ang very significant na Third International Film Festival For Children And The Youth na gaganapin sa Buenos Aires, Argentina sa November. Mukhang gustong puntahan ito ni direk at ni Magnifico.
Ang Magnifico ay ipapamahagi na sa mga sinehan sa USA at Canada ni Ting Nebrida ng Unitel Productions.