Lalaki ang pangatlong anak ni Sharon ?
May 9, 2004 | 12:00am
Galing mismo kay Sharon Cuneta ang pahayag na pakiramdam niya ay magiging lalaki ang pangatlong anak niya dahil ibang-iba ang nararamdaman niya sa kanyang pagbubuntis kumpara sa kanyang pagbubuntis noon kina KC at Frankie na masaya siya. "Hirap ako talaga sa batang ito," nakangiting wika ng megastar.
Sa susunod na buwan na malalaman ni Sharon kung babae uli o lalaki ang magiging anak nila dahil nasa pang-apat na buwan pa lang ang kanyang pagbubuntis. Nararamdaman nito na malaki ang sanggol sa kanyang sinapupunan pero kailangan nitong maghintay pa ng isang buwan bago siya magpa-ultra-sound.
Samantala, kahit wala na siyang show tuloy pa rin ang kanyang pagiging movie producer. Tatlong pelikula ang nakahanda nilang gawin at isa na rito yong matagal nang napabalitang Dolphy movie. Si Mr. Tony Gloria ang kanyang co-producer na siyang gumawa ng matagumpay na Crying Ladies.
Maliban dito ay may alok sa kanya ang ABS-CBN Publishing na magkaroon siya ng sariling magasin na sa ngayon ay pinag-iisipan na niya ng mabuti. Hindi rin nawawala ang mga alok sa kanya para gumawa ng komersyal na magpapatunay sa kanyang titulong "Commercial Queen."
Ngayong buwan ng Mayo matatapos ang kontrata ng megastar sa Dos at tiyak magri-renew siya ng panibagong kontrata pero, matatagalan pa siyang magsimula ng kanyang panibagong show dahil pagkatapos nitong manganak ay gusto nitong magkaroon ng concert tour sa America.
Ang balita ay sa January 2005 nakaplano ang pagbabalik ng megastar sa Dos at kung siya ang masusunod, mas gusto nitong gawin ang isang sitcom dahil nag-enjoy siyang masyado sa kanyang guesting sa Okey Fine Whatever.
Nagkaroon ng last taping ang kanyang show noong April 18 at pinakiusapan niya ang kanyang mga guest na walang babanggit ng "goodbye" dahil ayaw niyang maging malungkot ng mga sandaling iyon. Alex Datu

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended