Pero kahit may sama ng loob sa ama ay pinatawad na rin niya ito. Katwiran nito ay ito ang nagbigay ng buhay sa kanya.
Nag-iipon ngayon ang magandang young actress dahil gusto niyang makabili ng brand new na sasakyan. Second hand na sasakyan ang ginagamit nito. Malapit ang kanyang bahay sa GMA at pwede niya itong lakarin lalo na kung may mahalagang appointment na paminsan-minsan ay ginagawa niya.
Nagsimula si Reggie bilang winner ng Bodyshots kaya akala nila ay kailangan nitong magpa-sexy sa pelikula. "Okey naman sa akin ang magpa-sexy huwag lang maghubad gaya nang ginawa ko sa Liberated. Nagpapasalamat nga ako dahil sa magandang break na ipinagkaloob sa akin ni Mother Lily sa pelikulang ito na puro magagaling ang mga kasama kong artista gayundin si Direk Joel Lamangan," aniya. Crush nya si Dina Bonnevie. Dahil sa kaseksihan nito.
Hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa pagtulong sa mga kapuspalad ang aming ina gayundin sa mga civic projects. Dahil may pusong maka-Diyos ay naituro nito sa aming magkakapatid ang magagandang values mula sa pagkabata hanggang sa aming paglaki. Closely knit ang aming pamilya at ito ang itinuturing naming higit na yaman-walang inggitan sa aming magkakapatid at maging sa kapwa tao.
Napagtapos nito kaming lahat sa kolehiyo at may matatag na pamilya at hanggang sa kasalukuyan ay nariyan pa rin siya para maging gabay namin lalo na sa gitna ng problema. Higit sa lahat nagsilbi itong role model sa amin kaya deserving sa kanyang award.
Hindi naming siya naringgang nagmura o namalo kahit noong bata pa kami. Healthy living ang kanyang pinairal noon hanggang ngayon. Bukod sa pagiging ulirang ina ay napakabuti rin nitong asawa kaya siguro hanggang ngayon ay malakas pa rin ang aking magulang.
Masarap ang may ina na napaghihingahan ng problema. Pero mortal sin sa aming magkakapatid ang bigyan siya ng sama ng loob.
Kaya naman sa araw na ito ng Mothers Day ay bigyan natin ng pagpupugay at pagdakila ang ating mga ina.
Sabi nga ni Juday, hindi pa kumpleto ang kanyang kaligayahan dahil gusto pa niyang mailagay sa ayos ang kanyang ina at mga kapatid. Sa kabilang banda naman kahit may asawa na si Gladys ay halos ayaw pa rin nitong humiwalay sa kanyang ina dahil naging role model din ito sa pagiging closely-knit ng kanilang pamilya.
Kaya hindi kami magtataka kung bakit hanggang ngayon ay swerte pa rin ang dalawa sa pagpapahalagang inuukol sa kanilang inang si Mommy Carol at Mommy Zenny.