Pangit sa isang artistang lalaki ang makitang kasa-kasama ng mga bading!
May 8, 2004 | 12:00am
May panahong sa pangunguna ni Kuya Germs, ang mga artista ay kusang loob na sumailalim sa drug test. Maraming pabor noon diyan, kabilang pa nga si Richard Gomez na noon ay aktibo sa samahang kung tawagin nila ay Mamamayan Ayaw Sa Droga. Natatandaan namin, hanggang sa Broadway Studios ng GMA 7, nagkaroon pa ng drug testing. Hindi naman pinilit ang mga artista. Labag yon sa kanilang karapatang pantao, pero marami ang dumating sa panawagan ni Kuya Germs.
Noon, isang bagay ang napatunayan, hindi naman lahat ng mga artista ay addict. At saka marami sa pinagbibintangan nila, lumabas na negative naman pala sa droga. Noon kasi panay ang daldal ng isang senador na may listahan daw siya ng 87 artistang addict na hanggang ngayon naman hindi niya nailabas.
Natatandaan namin, may isa pang artista na nakulong dahil sa droga, si Muhammad Faizal, na inatake pa sa loob ng kulungan, at matapos ang apat na taong pagkakakulong, lumabas na wala naman palang kasalanan, at tinaniman lamang ng ebidensiya kaya nakulong. Pinawalang sala siya ng korte dahil doon. Pero huli na, inabot na siya ng sakit sa loob ng kulungan, at hindi nabigyan ng tamang medical attention.
Sinasabi namin ito dahil ang punto namin, kung may nangyari man at napatunayang positibo sa shabu si William Martinez, hindi naman siguro dapat sabihing addict na ang mga artista, dahil may nahuli lamang isa.
Kung minsan, masyadong nadidiin naman ang mga artista. Pero ano bang grupo ng mga professionals ang sumailalim sa drug test na kagaya ng ginawa ng mga artista? Kung tutuusin, mas ok pa nga ang mga artista eh.
Noong una naming makita yong Sex in Philippine Cinema, ang akala namin pirated yon. Kasi may lumabas nang pirated na ganyan nung araw eh. Yon pala legal na kopya na yon. Kagaya rin noong pirated, putul-putol na eksena yon mula sa mga pelikulang bold na ginawa ng Viva Films.
Ang kaibhan nga lang, dahil legal na kopya yan, malinaw. Hindi kagaya noong Sex in Philippine Movies noon na magkakaroon ka ng sore eyes dahil sa labo. Pero ang sinasabi nga nila, kuha naman yan sa mga pelikulang rated R, samantalang noong araw kuha ang mga yon sa mga pelikulang kung tawagin ay "pene". Ibig sabihin, mas matindi ang sex. Pero doon sa mahihilig sa koleksyon, palagay namin ok na yang Sex in Philippine Cinema.
Young male star na natsitsismis sa internet na diumano ay silahis, naitsismis din sa amin ng isang kakilala namin sa Baguio.
Madalas daw yon tumutuloy sa hotel na kanyang pinapasukan, at ang kasama nga ay mga barkada niya na mukha nga raw mga bakla rin. Ano nga ba ang pakialam natin kung sino man ang kasama niya sa bakasyon, pero totoo namang pangit para sa isang artistang lalaki ang makitang kasa-kasama ng mga bading, hindi ba?
Noon, isang bagay ang napatunayan, hindi naman lahat ng mga artista ay addict. At saka marami sa pinagbibintangan nila, lumabas na negative naman pala sa droga. Noon kasi panay ang daldal ng isang senador na may listahan daw siya ng 87 artistang addict na hanggang ngayon naman hindi niya nailabas.
Natatandaan namin, may isa pang artista na nakulong dahil sa droga, si Muhammad Faizal, na inatake pa sa loob ng kulungan, at matapos ang apat na taong pagkakakulong, lumabas na wala naman palang kasalanan, at tinaniman lamang ng ebidensiya kaya nakulong. Pinawalang sala siya ng korte dahil doon. Pero huli na, inabot na siya ng sakit sa loob ng kulungan, at hindi nabigyan ng tamang medical attention.
Sinasabi namin ito dahil ang punto namin, kung may nangyari man at napatunayang positibo sa shabu si William Martinez, hindi naman siguro dapat sabihing addict na ang mga artista, dahil may nahuli lamang isa.
Kung minsan, masyadong nadidiin naman ang mga artista. Pero ano bang grupo ng mga professionals ang sumailalim sa drug test na kagaya ng ginawa ng mga artista? Kung tutuusin, mas ok pa nga ang mga artista eh.
Ang kaibhan nga lang, dahil legal na kopya yan, malinaw. Hindi kagaya noong Sex in Philippine Movies noon na magkakaroon ka ng sore eyes dahil sa labo. Pero ang sinasabi nga nila, kuha naman yan sa mga pelikulang rated R, samantalang noong araw kuha ang mga yon sa mga pelikulang kung tawagin ay "pene". Ibig sabihin, mas matindi ang sex. Pero doon sa mahihilig sa koleksyon, palagay namin ok na yang Sex in Philippine Cinema.
Madalas daw yon tumutuloy sa hotel na kanyang pinapasukan, at ang kasama nga ay mga barkada niya na mukha nga raw mga bakla rin. Ano nga ba ang pakialam natin kung sino man ang kasama niya sa bakasyon, pero totoo namang pangit para sa isang artistang lalaki ang makitang kasa-kasama ng mga bading, hindi ba?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended