Dahil diyan, bumagsak ang kalidad ng pelikulang Pilipino. Nahalata naman yon ng mga tao, kaya hindi na sila nanood. Bumagsak ang industriya. Kumikita ang mga pelikula kung may festival, dahil alam nila na ang mga pelikulang isinasali roon ay ginagastusan ng husto. Pero kung hindi festival, bagsak ang mga pelikula.
Ganyan din ang nangyari sa film industry ng Korea noong araw. Bumagsak ang kanilang industriya ng pelikula. Hanggang isang araw, may producer na gumawa ng isang pelikulang high budget yong Shiri. Kumita yon ng napakalaki, at nagsimula ang panibagong trend sa Korea. Ginagastusan na nila ang kanilang mga pelikula at kumikita naman ng malaki ang mga yon.
Nitong mga nakaraang araw, marami kaming napapanood na pelikulang Koreano. Napanood namin yong Untold Scandal na ang bida ay ang matinee idol na si Bae Yong Joon na lumabas ding bida sa telenovela na Winter Sonata.
Napanood din namin yong Musa The Warrior, na isang epic talaga ang dating.
Iyan ang matagal na naming sinasabi. Gumawa tayo ng mga matitinong pelikula at kikita ang ating industriya. Marami tayong ginagamit na excuses, pati na ang sensura. Hindi yon ang problema eh.
Ang problema talaga, binababoy kasi natin ang ating mga pelikula. Wala tayong ginawa kundi mga walang kwentang comedy o kaya ay bomba.
Ngayon tingnan ninyo, hindi ba nasa kamotehan ang ating industriya?
Original iyon pero smuggled dahil hindi iyon para ibenta sa Pilipinas.
Sa Baguio City noong isang linggo, nakabili rin kami ng original DVD mula sa Singapore ng pelikulang War and Peace na ginawa ng direktor na si Sergei Bondarchuk, ito iyong Russian version ng klasikong nobela ni Leo Tolstoy.
Ang punto namin ngayon ay ito, hindi lang piracy ang problema kung di smuggling. Hindi nga pirated ang mga DVD na yan eh, pero makikita mo, "not for sale outside of Singapore".
Ibig sabihin, binili roon at ipinasok sa Pilipinas nang illegal. Hindi sila nagbabayad ng tax. Hindi ba talaga mapipigil yan?
Madalas daw na mag-shopping sa mall ang female star, at nagtataka sila bakit doon kailangang mag-shopping ang female star.
Bakit hindi rito sa Metro Manila, kung saan mas maraming shops?