Tumatakbong konsehal sa 1st district ng Parañaque si Bok at para may magamit sa kandidatura ay ipinagbili pa nito ang kanyang kotse.
Tipong artista rin ang baguhang pulitiko na inili-link ngayon sa magandang aktres! Nanliligaw ba siya sa iyo? Tanong namin dito.
"Magkaibigan lang kami ni Rex at nasa stage pa naman kami ng getting to know each other, pero hindi siya nanliligaw. Magaan ang loob ko sa kanya dahil matalino siya at masarap kausap. Kapag galing kami sa pangangampanya at may time pa ay lumalabas kami pero hanggang dun lang. Isang beses nga, nagpadala siya ng bulaklak sa bahay at talagang nasorpresa ako dahil sa rami nito at halos mapuno na ng bulaklak ang aming bahay. Ganun siya ka-thoughtful. Pero, wala pa talagang ligawang nangyayari," aniya.
Ang ganda ng career ngayon ni Angel sa Dos na bukod sa Sanay Wala Nang Wakas ay mayroon pa siyang ASAP at baka isama na rin ito sa Masayang Tanghali Bayan. Mula nang mapasama ito sa soap opera ay nanumbalik sa dati ang tamis ng pagkakaibigan nila ni Jericho Rosales.
Speaking of Angelika, naging punong abala ito sa pagi-entertain kasama ang kanyang Daddy Ernie sa mga bisita sa pangunguna nina Congressman and Mrs. Jenny Sandoval sa blessing ng Marico Management and Entertainment Development Center na pag-aari ng kanyang ama. Ang ganda ng studio na matatagpuan sa 61 Gen. Borromeo S. Longos sa Malabon City.
Apat na ang mina-manage na banda ni Ernie na kinabibilangan ng sikat na Freshmen Band, Pink Carabao, ang 7th Sign na nasa Japan at ang E-7 na kadarating lang ng Japan.
Ipinagkatiwala na ni Daddy Ernie ang kanyang anak sa pamamahala ng Talent Center.
Kung mayroon mang bagong iidolohin ang mga manonood, itoy walang iba kundi si Dennis Trillo. Paano kasi, pwede syang role model dahil wala itong bisyo at hindi mahilig sa nightlife.
Professional din ito sa trabaho kaya kasundo ng lahat ng kasamahang artista. Wala rin itong lovelife sa ngayon.
Naitanong namin kung sino sa mga kabataang artista ang gusto niyang makapareha sakaling mabigyan ng break sa pelikula.
"Gusto ko po si Angel Locsin dahil simple lang siya, mabait at higit sa lahat totoong tao," aniya.
Hindi man aminin sa galaw lang ng mata at ngiti ay feel naming may crush ito sa magandang dalaga.
Nagustuhan namin ang "Daisy Otso" na pinaghalong title ng TV series ng Sex Bomb at ang pamosong awitin ni Bayani Agbayani. Guest si Marc Logan sa launching na umawit din kasama ang all-female sing and dance group.
Ayon sa seksing aktres ay hindi naman siya pinababayaan ng Viva dahil lagi siyang isinasama sa kanilang pelikula. "Siguro mas sasama ang loob ko kung after Lupe ay talagang wala na akong proyekto kay Boss Vic. Isa pa sa kalagayan ngayon ng movie industry ay hindi sila ganun kaaktibo sa pagprodyus ng pelikula dahil nga sa film piracy. Mabuti na lang at may raket akong iba gaya ng mga shows with Viva Hot Babes," sey nito.
Papasok pa lang ay nakangiti na sila sa aktres at nang lumapit ay binati siya ng guard at babaeng nasa information at nag-request kung pwedeng magpapirma ng authograph. Dinedma lang sila nito at tuloy na sa pagpasok sa elevator. Ni hindi man lang sila nginitian.
Hindi naging maganda ang impresyon nila sa bisitang sexy actress at nawala bigla ang kanilang paghanga dito. "Karinyosa pa naman siya kapag napapanood naming sa TV pero hindi pala siya ganun sa tunay na buhay," sey nila.
Sikat ang aktres dahil bukod sa pelikula at TV ay abala pa rin ito sa kanyang pagmomodelo sa kalendaryo, magasin at komersyal.