Ang 15 years old na si KB de Jesus, luckily, ay hindi dumaan sa ganitong pagsubok. Bata pa lamang siya ay gumawa na siya ng di mabilang na commercials Nestle, Sprite, Gummy Bears Downy, Raid, Chowking, atbp. Siya ngayon ang latest endorser ng Icarus shirts.
Nagbida na rin siya sa TV, sa telesine na may pamagat na Junior, bilang anak ni Lorna Tolentino na kinidnap ni Sandy Andolong.
Nakalabas na rin siya sa Kasangga, Maynila at Magpakailanman bilang kid brother ni Ethel Booba.
Iisa pa lamang ang movie niya, ang Ang Titser Kong Pogi with Bong Revilla.
To stay in competition, nagri-refresher course siya sa Balintataw drama workshop.
Sampung taon nang naninirahan sa San Jose, California ang pamilya ni Nathalie. Pumunta silang lahat dun para maghanap ng bagong buhay. Dun na nag-aaral si Nathalie at ang kakambal niyang si Patrick. Naging honor student pa ito sa high school.
Swerte naman si Nathalie dahil nang dumating siya ng Pinas kasama ang magulang at kapatid ay agad silang nakatagpo ng isang mabait na manager na siyang umaasikaso ngayon sa magandang teener.
Bumalik na sa US ang ina at kakambal ni Nathalie. Naiwan ang kanyang ama para gabayan siya sa kanyang pag-aartista.
May gagawing sitcom si Nathalie anytime now na pinamagatang Teksas ni Mang Pedro.
Bukod sa pagiging artista, isa ring print and TV ad model si Bea at nakagawa na ng mga komersyal.
Nasa grade V na si Bea sa St. Michaels College sa Laguna.
Bagaman at kapwa sila malakas ng kanyang ina na si PGMA sa kanilang probinsya, sinabi ni Mikey na kahit matalo ang kanyang ina sa eleksyon ay hindi siya titigil ng pagtulong sa kanyang mga kababayan.
"Ang problema, sa akin ipinasang lahat ang mga pangangailangan ng mga kababayan ko. Kapag may proyekto naman ako, lahat nakiki-ride on. Pero, di bale, nasosolusyunan naman lahat ng problema sa aking probinsya," aniya.
Pinaka-magandang b-day gift na tinanggap niya ay nang sabihan siya ng kanyang mga kababayan na mahal nila siya sa lugar na kung saan ay malakas ang kanyang kalaban.
Bago pa dumating si PGMA ay pinagsabihan na ni Nora ang kanyang mga tagahanga at supporters na mag-ingat sa pagpili ng kanilang iboboto. Nagkamali na raw siya, ayaw niyang magkamali rin sila.
"Alam po ninyo, mahirap ang magkamali. At ako, marami akong pagkakamaling nagawa sa buhay ko pero, hindi pa rin ako natututo," aniya.