^

PSN Showbiz

Sana'y magsisilbing aral sa lahat ang sinapit ni William

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Sana’y magsilbing aral sa lahat ang sinapit ni William Martinez. Matapos itong mahulihan ng glass tooter, kumpirmadong positive ito sa drug test na isinagawa ng Philippine National Police.

Habang sinusulat ko ang column na ito, nirekomenda na ang pagkakakulong kay William ng anim na taon. Or he will have to undergo rehabilitation, ayon sa rekomendasyon ng PDEA.

Nakakalungkot para sa pamilya ni William ang nangyari. Maliliit pa ang kanyang mga anak. Ang nakakalungkot, hindi ba aware ang asawa niyang si Yayo Aguila sa bisyo ng kanyang asawa at kailangan pang mahuli ito?

Kailangan pa sigurong paigtingin ang anti-drug campaign sa showbiz. Teka, meron ba? Aba, mas talamak yata ngayon ang paggamit ng illegal drugs sa mga artista. May mga kilala akong young actors na on-going ang detoxification sa isang kilalang hospital.

Nakausap ko ang isang dating user ng Ecstasy na ngayon ay nagbago na at ayon dito, talamak pa rin ang paggamit nito ng maraming artista.

"Kilala ko if one is a user," sabi ng kausap ko. "At saka, magkikita-kita kayo sa mga lugar kung saan may supplier."

Karamihan sa gumagamit ngayon ng illegal drugs ay mga young stars. Nagulat ako sa mga pangalang ibinigay sa akin ng kausap ko.

Sana talaga ay matigil na ang bisyong ito. At kung nasa katinuan pa ang ibang artista na hanggang ngayon ay ‘user’, sana ay itigil na nila bago mahuli ang lahat.

Teka, sino nga ba sa mga artista natin ngayon ang pwedeng magsimula ng panibagong kampanya against illegal drugs? Mukhang wala! Dahil ang lahat ay abala sa kampanya sa kani-kanilang kandidato na susuportahan sa nalalapit na eleksyon.
* * *
Speaking of campaign on illegal drugs, bakit kaya hindi gumawa ng hakbang ang lahat ng istasyon to come up with one. Pagsama-samahin nila ang mga artistang pwedeng maging ehemplo sa mga kabataan.

Marami pa rin naman ang mga young stars na pwedeng gamitin sa nasabing campaign.

Sa ABS-CBN, nariyan sina Claudine Barretto, Piolo Pascual, Judy Ann Santos, Jericho Rosales, Kristine Hermosa, Diether Ocampo, Bea Alonzo, Luis Manzano, Jodi Sta. Maria, Sarah Geronimo, Kaye Abad, Rafael Rosell, Heart Evangelista, Camille and John Prats, Angelica Panganiban, Carlo Aquino, Shaina Magdayao, Jiro Manio, Serena Dalrymple at iba pa.

O puwede rin ang mga senior stars tulad nina Aiai delas Alas, Aga Muhlach, Kris Aquino, Gary Valenciano, Zsazsa Padilla, Bayani Agbayani at Vhong Navarro.

Sa GMA 7, hindi ko kilala personally ang mga artista nila pero tiyak na meron ding puwedeng maging ehemplo sa kabataan like Jolina Magdangal, Karylle at iba pa.

Naniniwala ako na kahit papa’no ay mayroon itong impact. Depende na lang kung paano nila isasagawa ang nasabing kampanya.
* * *
Ngayong gabi na ang 1st project for the year ng Lyrics & Sheets Foundation, ang Tagay Para Kay Liwayway, isang fund-drive para sa mother ni Anna Goma, si Mrs. Liwayway Goma who is now confined at the Philippine General Hospital. The project is aimed at raising support for Nanay Liwayway.

Lyrics & Sheets Foundation is the same group na nag-organize ng matagumpay na "Drin Oreo Can" at iba pang charity works.

Anna Goma is a well-loved personality in the ABS-CBN drama department. She is the supervising producer for show like Sana’y Wala Nang Wakas, It Might Be You and Mangarap Ka. Dahil sa rami ng nagmamahal kay Anna, inaasahan ang pagdagsa ng susuporta sa event na ito.

Tagay Para Kay Liwayway
promises to be a night of music, entertainment, fun and drinks. Top celebrities are expected to grace the event. Gaganapin ito sa Cork Grill, The Loop of ABS-CBN ngayong gabi, 8 p.m. onwards.

The event is open to the public.

AGA MUHLACH

ANGELICA PANGANIBAN

ANNA GOMA

BAYANI AGBAYANI

BEA ALONZO

SANA

SHEETS FOUNDATION

TAGAY PARA KAY LIWAYWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with