Mark Lapid biglang umapir sa TV show ni Kris

Si Angelene Aguilar ang gaganap sa role ni Halina Perez sa lifestory nito sa Maalaala Mo Kaya ngayong gabi. Very tragic at controversial ang pagpanaw ni Halina. Namatay ito at ang kanyang manager sa isang aksidente sa Bicol.

Sa very untimely death ni Halina, masasabing nakamit niya ang inaasam na stardom. Bata pa lang ay nangangarap na si Halina na maging isang artista. Natupad ‘yon at naging isang malaking pangalan sa pagpapaseksi.

Bago namatay, natupad din ni Halina ang pangarap na makilala ang isang lalaking magmamahal sa kanya. Hanggang nagpakasal nga sila.

Sa kauna-unahang pagkakataon, malalaman na natin ang tunay na kwento sa pagkatao ni Halina Perez.

Sa The Halina Perez Story bida si Angelene. Kasama rin sa episode si Tonton Gutierrez bilang ama, Liza Lorena bilang lola at Michael Flores bilang asawa. Si Mae Cruz ang nagdirek ng episode.
* * *
Sa Morning Girls with Kris & Korina noong Martes, walang kaalam-alam si Kris Aquino na surprise guest niya si Mark Lapid. Bigla itong um-appear sa show na ikinagulat ni Kris. Dahil dating game ang tema ng episode, napilitan na sumali sina Kris at Mark sa dating game portion.

Halatang kinikilig si Kris kay Mark. Inamin naman ni Mark na patuloy pa rin ang panliligaw niya kay Kris.

In fact, noong Sabado ng gabi ay nakita ko ang dalawa na nagdi-dinner sa Taste of L.A. sa Roces Avenue. Nagulat si Kris nang makita ako. Ipinakilala ako nito kay Mark. Magalang si Mark. Edukado. Soft-spoken.

Gauging their action, mukhang may ‘something’ na sa kanilang dalawa. Kung magpapatuloy ang ligawan nina Kris at Mark, naniniwala ako na madali at pwedeng makalimutan ni Kris si Joey Marquez. Nakita ko ang kakaibang ngiti the whole time na kasama niya si Mark.

Abangan natin ang developments sa nagsisimulang love story nina Kris Aquino at Mark Lapid.
* * *
Klik sa tao ang pagganap nina Robin Padilla at Judy Ann Santos ng baluga sa Basta’t Kasama Kita. Ang taas ng rating ng nasabing episodes. In fact, ongoing pa rin sa BKK ang nasabing karakter nila Juday at Robin bilang mga undercover agents.

"It’s something new kasi," says BKK director Jerry Lopez-Sineneng. "First time ng tao na nakita si Robin na baluga. At saka, hindi pa nawawala ang action scenes. ‘Yun ang audience ng BKK. And we’re proud na ‘yung mga scenes na nagagawa lang sa pelikula ay napapanood ng tao sa teleserye namin."

Nangako si Direk Jerry na mas magiging exciting ang mga darating na episodes ng Basta’t Kasama Kita.
* * *
May new set ang The Buzz. Sa Sunday ay makikita ng tao ang bagong set. Bago rin ang direktor ng show - si Onat Diaz. Si Direk Onat ay mula sa advertising field. Ngayon ay nasa ABS-CBN at Star Cinema na siya.

Ipinagmalaki ni The Buzz executive producer Nancy Benito-Yabut na halos halaga na ng isang bagong bahay ang bagong set ng kanilang show.

"Madugo i-mount ang new set pero ang ganda," sabi nito. "Since bago ang direktor namin, viewers will be treated to a different The Buzz this Sunday.

This Sunday ay mapapanood ang mga bagong segments ng show. Pati ang bagong OBB (opening billboard) ay ipalalabas din.

Sa episode last Sunday, nagtala ang The Buzz ng 17% laban sa S Files na 9% percent lamang.

Show comments