Yayo, lusot sa kaso ng mister

Hindi kasama sa dalawang kasong isasampa ng Philippine drug Enforcement Agency, PDEA ang asawa ni William Martinez na si Yayo Aguila. Ito ang kinumpirma sa akin ni Colonel Rolando Mabutas, PDEA Regional Director for Metro Manila matapos maging positibo sa ginawang drug test ang aktor. Ayon kay Col. Mabutas, tanging si William lamang ang kanilang kakasuhan dahil ito lamang ang nahulihan ng tooter sa paggamit ng shabu.

Hindi na rin isasailalim sa drug test si Yayo kahit na kasama pa ito ni William nang mahuli sa Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport. Kung sakaling nakitaan din ng drug paraphernalia si Yayo ay siguradong isasailalim din ito sa drug test.

Samantala, bukod sa dalawang kasong isinampa ng PDEA, isasailalim din sa anim na buwang drug rehabilitation si William. – WV

Show comments