Taglay naman ni Dyan ang mga katangian ng isang beauty queen kaya naman hanga sa kanya (o nanliligaw na) ang dating boyfriend ni Patricia Javier na si Marc Nelson.
Na-develop na rin ang self-confidence nito at hindi na mahiyain. Dahil sa rami ng shows ay paborito na rin itong kunin para maging commercial model.
Kung ang ibang aktres ay nagpaparetoke ay hindi ito gagawin ni Valerie dahil kuntento na siya kung ano ang ibinigay sa kanya ni Lord. Dahil sa pagbabago ng katawan na karaniwan sa isang nagdadalaga, pwede nang isali si Valerie sa Bb. Pilipinas Beauty Pageant.
Naniniwala ang young actress na mas komportable siya pag kasama ang ina dahil feeling nito ay ligtas siya sa tukso na talamak sa showbiz.
Sa kabilang banda, nali-link ngayon ang dalaga kay Bobby Yan kung saan madalas itong maimbitahan for dinner kaya lang, may pagkakataong hindi ito nakakasama dahil sa sobrang kaabalahan sa trabaho.